HINIMOK ng Philippine National Police (PNP) – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA), hinimok ang mga kumpanya na mag-invest para palakasin ang kapabilidad ng kanilang mga guwardya.
Ito ay upang mapalakas pa ang kapabilidad ng mga guwardiya sa pagganap ng kanilang tungkulin na bantayan at tiyakin ang seguridad gayundin ang kaligtasan ng kanilang pinapasukan
Ayon kay PNP SOSIA Director BGen. Gregory Bogñalbal, madalas namang napag-uusapan ang capability enhancement sa tuwing nagsasagawa ng stakeholders meeting.
Kung mayroong akmang kagamitan ang mga guwardiya na dapat gamitin ay magiging episyente at epektibo ang pagganap ng mga ito sa kanilang tungkulin.
Ginawa ni Bognabal ang pahayag upang maitaas din ang imahe ng mga security guard na hindi nauutusan ng mga estalishment bilang parking boy at utility.
Giit ng heneral, may sariling mandato ang mga security guards bilang force multiplier na katuwang ng PNP para sa pagbabantay sa seguridd sa kanilang assignments. EUNICE CELARIO