MAY ‘go signal’ na ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa pagkakasa ng trading pause sakaling bumulusok ang stock market dulot na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa SEC, kapag nagkaroon ng mabilis na pagbaba ng PSE index hanggang 10% maaaring itigil ang trading ng hanggang 15 minuto.
Kapag 15% naman ang ibinagsak ay 30 minuto ang magiging pagtigil ng kalakalan at aabot naman sa isang oras ang pagtigil kung nasa 20% na ang pagsadsad ng trading.
Subalit sinabi ni Sec. Chair Emilio Aquino na isang beses lamang maaaring magpairal ng trading pause kada araw kaya wala nang anumang pagtigil sa mga transaksiyon kapag bumaba ang stocks sa huling 20 minuto bago ang pagsasara ng trading. DWIZ 882
Comments are closed.