(Kapag dumami ang active COVID-19 cases) LOCALIZED LOCKDOWNS SA MAYNILA

Manila Mayor Isko Moreno

SERYOSONG nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno  na magpatupad ng mas istriktong localized lockdowns sa lungsod kung patuloy na darami ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa alkalde, sakaling magpatuloy ang nakikita nilang pagtaas ng mga kaso ng sakit ay hindi siya magdadalawang isip na  mag-lockdown ng distrito o area upang makontrol ito.

“Kung sakaling magtuloy iyong nakikita natin ngayon, hindi ako mangingime maglockdown in a concerned district or area kasi we contin-ue to do self pre­valence or self-surveillance,” ani Moreno.

Sinabi pa ng alkalde, magiging nakakaalarma ang mga kaso ng CO­VID-19 sa Maynila kung aabot ito sa 1,100 active infections.

Ayon pa dito, inaasahan na rin naman  niya na magkakaroon ng pagbabago sa bilang ng mga kaso ng sakit sa Enero, 2021 dahil na rin sa pagdami ng COVID-19 infections ngayong Disyemnre.

“We are in the middle of December and there is already a growth. We might be expecting different numbers by January,” dagdag pa nito.

Iniulat pa ng alkalde na hanggang nitong Disyembre 15 ay mayroon pang 359 aktibong kaso ng virus sa Maynila na tinatayang mayroong 2.4 milyong populasyon. VERLIN RUIZ

Comments are closed.