(Kapag inalis ang Filipino, Panitikan sa kolehiyo) 10K GURO MAGIGING JOBLESS

fil-teacher

NANGANGANIB na mawalan ng trabaho ang may 10,000 guro kapag ipinatupad na ang desisyon ng Korte Suprema sa memorandum ng Commission on Higher Education (CHED) na nagtatanggal sa Filipino at Panitikan bilang pa­ngunahing kurso o core subject sa kolehiyo.

Ayon kay Dr. David Michael San Juan, convenor ng grupong Tanggol Wika, may ilang guro na ang lumapit sa kanilang tang-gapan dahil sa banta ng pagkasibak sa trabaho.

Paliwanag nito na hindi dapat magtapos sa elementarya, high school at senior high school ang pagtutu-ro sa Filipino at Panitikan dahil sa may ilang diskurso rin umano gaya ng mga isyu sa lipunan at pagsasal-iksik na sa kolehiyo dapat iti­nuturo.

Gayundin, isang paglabag din ang hatol ng Korte sa mga batas na nangangalaga sa Pambansang Wika.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ng grupo ang mosyon kontra sa ruling ng Korte matapos mabatid na hindi dumaan sa oral argu-ments at public hearing ang inihaing memo ng CHED.

Comments are closed.