(Kapag iniutos ni Duterte) FACE-TO-FACE CLASSES PAPAYAGAN

Leonor Briones

NILINAW ng  Department of Education (DepEd) na papayagan lamang  ang pagsasagawa ng face-to-face (F2F) classes kapag ito ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo  Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones,  mananatili ang polisiya ng gobyerno na walang magaganap na face-to-face classes.

Bagaman pinag-aaralan ng DepEd ang posibleng pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes sa susunod na taon, ito rin ay  isasagawa lamang kapag pumayag ang Pangulo ganoon din sa magiging rekomendasyon ng Department of Health at ng National COVID-19 task force.

Samantala,  nakatakdang magbigay ng ulat ang DepEd tungkol sa pagbubukas ng klase noong Oktubre 5, 2020.

Ipinag-utos din ni Briones ang pag-aaral sa reconceptualizing ng learning spaces post-COVID, hindi lamang ng mga silid-aralan, kundi sa  mga  tahanan, community spaces, at virtual space. NENET VILLAFANIA

Comments are closed.