YELLOW RIBBON SA BAHAY NA MAY COVID-19

BILANG bahagi ng bagong panuntunan ng munisipalidad ng Pateros na napapailalim sa General Community Quarantine Alert Levels System at ipinatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF), sisimulang lagyan ng ribbon na dilaw ang mga bahay ng may nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III na umamin na kahit ang ilang miyembro ng kanyang pamilya ay nagpositibo na rin sa COVID-19.

Anang alkalde, para masiguro ang kaligtasan at mas madaling malaman na may kaso ng COVID-19 ang isang bahay ay maglalagay sila ng palatandaan o tag dahil kahit sa panahon ngayon ay hindi na dapat ikahiya ang mahawahan nito dahil walang sinisino ang virus.

Kapag napatunayan na may nagpositibo sa COVID-19 kahit isa lamang na indibidwal sa isang bahay ay lalagyan agad ito ng dilaw na ribbon at wala nang ibang taong makalalabas sa bahay na iyon.

Ang bahay ng may nagpositibong indibiduwal ay isasailalim sa 14-araw na lockdown pati na rin ang mga bahay ng mga taong naging close contact ng nagpositibong indibiduwal.

Dahil dito, binalaan ang mga residente na ang mga bahay ay nakapailalim sa lockdown na huwag nang lumabas ng bahay at sundin ang mga panuntunan na inilatag ng munisipalidad.

Gayundin, kung ang isang indibiduwal na nagpositibo sa COVID ay natuklasan na may Delta variant, ang kanyang mga naging close contact ay agad na ilalagay sa quarantine at isasailalim sa test sa loob ng limang araw.

Kahit ano pa man ang maging resulta ng isasagawang test sa isang nagpositibo sa virus ay kailangan pa rin nitong kumpletuhin ang 14-araw na quarantine.

Sinabi pa na ang mga lugar na isasailalim sa granular lockdown sa munisipalidad ay makararanas ng mahigpit na restriksiyon kung saan walang papayagang lumabas ng bahay sa loob ng 14 na araw maliban na lamang sa health workers, paalis na overseas Filipino worker (OFWs) at emergency cases.

At ang lahat ng business establishments sa lugar kung saan nasasakop ng granular lockdown ay pansamantalang isasara. MARIVIC FERNANDEZ

238 thoughts on “YELLOW RIBBON SA BAHAY NA MAY COVID-19”

  1. safe and effective drugs are available. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    ivermectin cost
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Drug information.

  2. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Get warning information here.
    https://mobic.store/# can i get mobic
    What side effects can this medication cause? Medicament prescribing information.

  3. Comprehensive side effect and adverse reaction information. safe and effective drugs are available.
    https://clomiphenes.com how can i get clomid without a prescription
    Top 100 Searched Drugs. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  4. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Get warning information here.
    tadalafil coupon
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. earch our drug database.

Comments are closed.