KUMPIYANSA si 1-PACMAN Partylist Rep. Enrico Pineda na maiiwasan ang retrenchment sa mga manggagawang Filipino sa oras na matuloy ang subsidy program ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakapaloob sa Bayanihan 3.
Ayon kay Pineda, chairman ng House committee on labor and employment, kung ang datos noong nakaraang taon ang pagbabatayan, sumipa sa higit 400,000 manggagawa sa formal economy ang nawalan ng trabaho dahil sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Mas mataas na bilang naman ng mga manggagawa sa informal economy ang nawalan ng trabaho.
Ani Pineda, sa kanilang proposal katuwang ang DOLE, ay nais nilang i-subsidize ng pamahalaan ang 25% hanggang sa 50% sahod ng mga manggagawa.
Ipinagmalaki rin ni Pineda na nakapaloob sa naturang panukala ang P52-bilyong pondo na ilalaan para sa mga wage subsidy ng pamahalaan. DWIZ 882
Comments are closed.