“KAPAG nag-positive sa ‘rapid test,’ huwag mabagabag, pero mag-ingat.”
Ito ang payo ni Manila Mayor Isko Moreno habang nagiging agresibo ang pamahalaang lokal sa pagsasagawa ng test sa mga residente ng lungsod upang mapalakas ang kakayahan nitong ma-detect, ma-isolate at ma-treat ang mga nagpositibo sa COVID-19.
“Don’t worry if nag-positive sa rapid test. Magpahinga, mag-quarantine and swab test. Dito natin mapapasikip ang mundo ng COVID-19. Ang rapid testing ay hindi garantiya na tayo ay positive or negative. Pag positive, ‘wag mag-alala dahil kailangan pang i-submit ito sa confirmatory test. Ito ‘yung swab test,” paliwanag ni Moreno.
Patuloy na pinalalawak ang quarantine facilities para habang naghihintay ng swab result ang nag-positive sa rapid, sila ay nasa maayos na lugar at mailalayo sa kapahamakan. Kapag aniya confirmed positive through PCR (polymerase chain reaction) machine, ilalagak ang pasyente sa health facilities kung saan pinalalawak ang kakayanan ng mga ito, gaya ng MIDCC (Manila Infectious Disease Control Center ) at iba pang ospital na pag-aari ng Maynila.Ang MIDCC ay nasa loob ng Sta. Ana Hospital.
Target ng lungsod, na magkaroon ng 400-bed capacity para COVID cases, gamit ang sports complexes at public elementary at high schools.
Unang na-convert bilang quarantine facility ang Del Pan Evacuation Center, sumunod ang Ararullo High School at Tondo High School, ito ay ilan lamang sa mga pasilidad kung saan ang bed capacity ay nasa 170 ang kabuuan.
Comments are closed.