IBABALIK ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng mga quarantine control points sakaling ilagay muli sa Alert Level 3 o 4 ang ilang mga lugar sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni PNP Chief, General Dionardo Carlos dahil sa panibagong Omicron strain ng coronavirus disease.
Aniya, ilalagay ang mga quarantine control points (QCPs) sa mga matataong lugar para maiwasan ang pagkahawa-hawa ng virus.
Sinabi pa ni PNP Chief, isa rin sa magiging dahilan nila ng pagbabalik muli ng mga quarantine control points ay ang papalapit na Christmas season kung saan inaasahan nilang maraming lalabas ng bahay.
Matatandaang bahagyang binawasan ng PNP ang paglalagagay ng mga QCPs nang ibaba ang COVID-19 Alert Level sa bansa. REA SARMIENTO