KAPAKANAN NG MEDIA TUTUTUKAN NI PBBM

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kaniyang titingnan ang kapakanan ng mga mamamahayag.

Ito ang sentro ng talumpati ng Punong Ehekutibo kasabay ng 50th anniversary celebration ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) kahapon.

Aniya, ang commitment ay isang collective goal ng administrasyon kasama na rin ang pagbibigay ng papuri ar ang pagkilala sa tungkulin ng media.

Sa record, si Marcos ang unang Pangulo ng Pilipinas sa loob ng siyam na taon na dumalo sa
FOCAP habang ang kanyang ama na si dating President Ferdinand E. Marcos Sr. ang nanguna sa tradisyon na unang Philippine leader na pasinayaan ito sa loob ng nakalipas na 50 taon.

“The principal role of the press is not to applaud those who govern, but you hold us accountable, without holding back in giving praise to those who deserve it,” anang Pangulo.

“Along with that stance is our collective goal of protecting the welfare and lives of journalists,” dagdag pa nito.

Igiinit din ng Pangulo na kanyang ibibigay ang hustisya sa mga mamamahayag na pinaslang dahil sa kanilang trabaho kaya inatasan ang Presidential Task Force on Media Security para rito.

“Rest assured that this government, through the Presidential Task Force on Media Security, is always on top of ensuring a safe environment for media practitioners in the country,” giit ng Pangulo.

Sa huling bahagi ng talumpati, sinabi ng Pangulo ang kanyang kahandaang magbigay ng ” candid report and exchange ideas ” sa mga bagay na nakakaapekto sa Pilipinas habang siya ay nakaupo sa isang forum kasama ang FOCAP.
EVELYN QUIROZ