KAPAKANAN NG MGA OFW TUTUTUKAN NI PDU30 SA PAGTUNGO SA ISRAEL

PANGULONG DUTERTE

TEL AVIV – ILANG Filipino ang excited sa nakatakdang pagbisita roon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Setyembre 2 hanggang 8.

Inaasahan nila na makadadaupang palad ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang pangulo kaya ang iba naman ang naghahanda na.

Magugunitang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ilang mga agreement ang nakatakdang lagdaan sa pagitan ng Filipinas at State of Israel, gayundin sa Kingdom of Jordan sa official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.

Sinabi ni DFA Undersecretary Ernesto Abella na kabilang sa mga pipirmahang kasunduan sa biyahe ni Pangulong Duterte sa Israel ay may kinalaman sa labor o paggawa, Science and Agriculture, investment, at trade expansion.

Inaasahang matatalakay rin sa pakikipagpu­long ng Pangulo ang mga payment o binabarayan ng mga OFW na tutungo sa nasabing bansa.

Isa sa  kahaharapin ng Pangulo ang kapakanan ng mga domestic helper sa mga Memorandum of Understandings (MOUs) na lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Jordan sa pagbisita nitosa Setyembre 6 hanggang 8. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.