NITONG pandemya, napakaraming mga manggagawang Pinoy ang naapektuhan, hindi lamang dito sa bansa, kundi higit sa ibayong dagat.
Kung naaalala ninyo, ilang seafarers natin ang na-stranded at hindi nakasampa ng barko sa kasagsagan ng first wave ng COVID-19. Marami sa kanila, nag-iisang breadwinner ng pamilya. Nakalulungkot na marami sa kanila ang nawalan ng hanapbuhay at nakiusap ng suporta sa pamahalaan.
Pero pangunahing suliranin ng ating mga mandaragat, bago pa sumapit ang pandemya, ang ‘di patas na pagtrato sa kanila sa barko dahil sa diskriminasyon.
Isang panukalang batas ang matagal na nating isinusulong sa Senado, ang Magna Carta of Filipino Seafarers o ang Senate Bill 2369. Layunin ng panukalang ito na mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga seafarer at naniniwala tayo na sa lalong panahon ay lulusot ito sa Senado.
Dekada na ang inabot mula nang unang isulong ang panukalang ‘yan. At nang tayo’y maging senador, kasama ng mga kapwa senador natin ay muli nating isinulong ang proposisyong ‘yan nang makailang ulit. Napakahalaga na sa panahong ito, kilalanin naman natin ang kontribusyon ng ating mga marino sa ekonomiya ng bansa.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtalakay ng panukala sa Senado at inaasahang anumang sandali mula ngayon ay lulusot na ito sa komite na pinamumunuan ni Senator Joel Villanueva, ang Senate committee on labor and employment.
Pangunahing layunin ng panukalang ito na mapagtibay ang mga pribilehiyo ng ating Pinoy seafarers. Kabilang diyan ang patas na karapatan nila sa terms and conditions sa kanilang trabaho; right to self-organization, karapatan sa collective bargaining, paglahok sa mga democratic exercises na may kinalaman sa kanila bilang manggagawa; right to consultation; right to educational advancement and training at a reasonable cost.
Pagtitibayin din ng panukalang ito ang kanilang right to information; right of information sa kanilang pamilya o mga malalapit na kaanak; right to safe passage and sea travel.
Partikular na kinikilala ng nasabing Senate bill ang kanilang karapatan laban sa diskriminasyon; karapatang mapangalagaan laban sa anumang uri ng panggugulo at bullying sa lugar ng kanilang trabaho; at ang karapatan nilang makasiguro ng record of employment o certificate of employment; right to fair treatment sa panahon ng maritime accident at higit sa lahat, ang karapatang mapagkalooban sila ng libreng legal representation.
Iniaatas pa rin sa ating panukala na ang ating seafarers ay kailangang mabigyan pa rin ng iba’t ibang benepisyo tulad ng disenteng matutuluyan, sanitation, recreation and food facilities.
At tayo’y nagpasasalamat sa ating kasamahang si Senator Joel na siya ngang chairman ng Senate labor and employment committee, dahil siya ang tumayong sponsor ng panukalang ito sa Senado.
Binigyang-diin niya na naaayon ang ating panukala sa isinasaad ng international conventions and agreements on the occupational safety and health of seafarers tulad ng Maritime Labor Convention of 2006 na niratipikahan sa Pilipinas noong Agosto 2012.
Paliwanag ng komite, sakop ng Senate Bill No. 2369 ang lahat ng aspetong may kinalaman sa ating seafarers mula training hanggang sa sila ay mag-retiro. Sakop din ng panukala ang mga institusyong kabibilangan ng ating mga marino mula maritime schools, manning agencies at welfare funds.
At dahil sigurado tayo sa pagpasa nito sa Mataas na Kapulungan, sana naman, agad din itong maisabatas para naman sa panahong ito ay hindi na danasin pa ng ating mga seafarers ang hirap na nararanasan nila sa kanilang trabaho partikular sa kanilang sitwasyon at kapakanan. Madalas kasi ay dumaranas ng diskriminasyon at harassment sa barko ang mga Pinoy seafarers at ito ang pangunahing reresolbahin ng ating panukala.
74085 802684We dont trust this amazing submit. Nevertheless, I saw it gazed for Digg along with Ive determined you could be appropriate so i ended up being imagining within the completely wrong way. Persist with writing top quality stuff along these lines. 808416
416275 649787There is noticeably a bundle comprehend this. I suppose you created specific nice points in functions also. 109507