KAPALARAN NG NFA PINAG-AARALAN PA SA KAMARA

SINABI  ni House Committee on Agriculture and Food chair Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga na kaya isinasagawa ang imbestigasyon sa National Food Authority (NFA) sa gitna ng suspension kamakailan ng mahigit 130 NFA personnel kasama ang administrators, ay upang pag-aralan kung kailangan pa ba ang ahensiyang ito na manatili sa gitna ng kinasangkutan nitong kontrobersya ng pagbebenta ng mga bigas sa ilang rice traders nang hindi dumaan sa bidding.

“Gusto naming malaman kung ano pa ba ang magiging function ng NFA, are they still relevant.Is it enough na bigyan pa sila ng power. These are questions that should be answered in the inquiry,”sabi ni Enverga sa press conference na isinagawa sa House of Representatives.

“So marami tayong discovery, na sasabay po ito sa mandatory review ng rice tariffication law. So much learnings from this one,” sabi ni Enverga.

Nitong Linggo ipinanukala ni House Deputy Majority Leader for Communications Rep. Erwin Tulfo na i-restructure lamang ang NFA sa halip na abolition katulad ng ibang ahensya ng pamahalaan na pinag -aaralan ng tanggalin dahil wala na umanong silbi.

Ang mga panukalang buwagin ang NFA ay pinag -uusapan dahil sa kinukwestyon na pagbenta nito sa dalawang pribadong rice traders ng nagkakahalaga ng P93.75-million sale of 75,000 bags nang walang bidding.

Subalit sa naganap na House congressional inquiry ng komite ngayong Marso 7, inanunsiyo ni Enverga na aamyendahan ng inihain niyang House Resolution (HR) 1611 base sa ulat ni NFA Assistant Administrator for Operations Engr. Lemuel Pagayunan tungkol sa umano’y “improper sale” ng 75,000 stocks ng bags sa “selected rice traders” sa utos ni NFA Administrator Rod Bioco stocks sa murang halaga na P25 kada kilo subalit ibinebenta umano ng naturang mga negosyante sa mahal na halaga. Sinabi ni Enverga na ang HR 1611 ay aamyendahan sapagkat sa kanilang nakalap na data ay hindi lamang 75,000 srtocks ng bags ang naibenta kundi 130,000.Nangatwiran si Bioco na malulugi aniya ang NFA kung hindi nila ginawa yun.

Sa naturang pagdinig ipinaliwanag ni Bioco na ang NFA ay awtorisadong magbenta sa mga pribadong rice traders bilang pinakahuling hakbang sakaling ayaw bilhin ng mga ahensya ng gobyerno o authorized retailers kung ito ay nasa borderline na ng pagkabulok pagkatapos ng tatlong buwan na pagkakaimbak at mayroon ng laboratory test na magpapakitang ito ay nasa category na ng fair at fit pa for human consumption, at ito umano ay nakaimbak para lamang sa mga disaster .

Subalit iginiit ni Pagayunan na ang naturang stocks ay hindi pa nabubulok lalo pa at ito ay treated, ibinenta ng hindi naaprubahan sa bidding na dapat dumaan sa NFA Council na siya rin ang magtatakda ng presyo nito at nang hindi maibenta sa mahal na halaga lalo pa at ito ay para sa mga mahihirap, at mga ahensya ng gobyerno na nangangailangan nito at para sa may mga pangangailangan sa kalamidad.

Nagduda si Tulfo na favored traders ang mga binentahan nito nang walang bidding matapos magalit kung bakit aniya itinago upang ibenta lamang bago mabulok, at hindi ibinigay sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangailangan ng bigas. Kabilang ng pag-reject nito sa kahilingang ng bigas ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinaliwanag ni Bioco na wala na umanong rice retailer outlet at hindi na pinapayagang magbenta sa merkado bagamat nasabi ng ilang resource speakers na hindi na umano dapat nagpaparticipate ang NFA sa merkado. Kaya aniya naramdaman ang pagtaas ng presyo ng bigas.

“We have orders from the regional offices to dispose of the aging stocks. They make the recommendations, qualification, requirements for those interested to buy. We followed guidelines,” sabi ni Bioco.

“Walang bidding, maganda pa yung quality ng bigas, nag-conduct ng rebagging, and the reselling price (of the rice) is not appropriate,” sabi ni Pagayunan.

Sabi ni Tulfo kaya pala hindi na rin nakita sa mga raid na isinagawa ng operatiba sa mga hoarders ng bigas dahil naka- rebag na pala ang mga NFA rice.

Samantala, ipinanukala ni Rafael Mariano na dating mambabatas at representante ng Kilusang

Magbubukid ng Pilipinas na tanggalin ang trading at regulatory functions ng NFA. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA