ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Director-General ng Bureau of Corrections (BuCor) si dating jail warden Gerald Quitaleg Bantag.
Ang desisyon ng Pangulo ay suportado ng Malakanyang at base sa kanyang “professional competence and honesty”.
Kumpiyansa ang Pangulo na ipagpapatuloy ni Bantag ang kampanya ng administrasyon laban sa korupsiyon at kaagad na sisimulan ang reporma sa BuCor.
Samantala, tahimik naman ang Malakanyang kung ang bagong BuCor Director ang dating warden ng Parañaque City Jail na ipinaaresto ng korte kasama ang dalawa pang jail guard hinggil sa naganap na pagsabog sa nabanggit na kulungan na ikinasawi ng sampung preso kabilang ang dalawang Chinese nationals noong 2016.
Comments are closed.