KAPALIT NI MOCHA USON INAABANGAN

MOCHA USON

PARA sa mga kritiko ni Mocha Uson, long-overdue na ang kanyang pagbibitiw bilang Presidentialreflection Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary dahil sa rami ng kapalpakang ginawa niya.

Imbes na maging asset sa gobyerno ni Presidente Rodrigo ‘Duterte si Mocha sa posisyong pinaglagakan sa kanya, tila naging malaking liability pa siya.

Noon pa man ay napag-alaman namin from a source na namumuro na si Mocha kay Pres. Digong. At  natuluyan na talaga siyang alisin dahil sa video na ginawa niya kasama ng isang blogger kung saan nag-react ang deaf and mute community sa bansa.

At sino naman kaya ang ipapalit ni Pres. Digong kay Mocha sa puwesto niya? Ang todo-tanggol kay Pres. Duterte at dating broadcaster ba na si Jay Sonza?

Although may tsika na ang type raw ni Jay Sonza ay ang posisyon ni Sec. Martin.

o0o 

DINUMOG ang ginanap na premiere night ng pinag-uusapang action-packed trilogy film ng mga anak ni former Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na sina Jolo, Luigi at Bryan, ang “Tres” na showing na sa more than 100 cinemas now.

Ang astig ng ‘Virgo’ episode ni Bryan, matapang ang ‘Amats’ ni Luigi at aksyon na aksyon kay Cavite Vice-Governor Jolo.

Kompleto ang Revilla clan sa premiere night headed by the original Agimat King na si former Senator Ramon Revilla Sr.

Siyempre, naroon ang Mayora ng Bacoor City at ina nina VG Jolo at Bryan na si Lani Mercado. Nandoon din ang ina ni Luigi na si Lovely Guzman.

Wala man doon physically si ex-Senator Bong Revilla, parang nandoon na rin siya sa mga papuri sa kanya ng tatlo niyang anak.  And after watching “Tres,” Bryan, Luigi and VG Jolo really made their Papa Bong very, very proud.

TRESAt siyempre, dasal pa rin ng magkakapatid na makalabas na ng PNP Custodial Center. Hindi pa alam ng nakararami kung paano isinagawa ni dating DOJ Sec. Leila de Lima, sa tulong ng dating Ombudsman Conchita Carpio Morales at Commission on Audit Grace Pulido Tan, ang inaangal ni Jinggoy na ‘selective justice.’

Sa ‘kumpas’ daw ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay binuhusan ng isyu ng korupsiyon ang tatlong senador kaya isa-isang ipinakulong. Hanggang ngayon ay ‘di pa rin daw malinaw kung ano ang uri ng pagwawaldas nila sa pork barrel.

Pero malinaw raw na Supreme Court na mismo ang nagsabing ilegal ang pagwaldas ng mga tuta ni PNoy sa DAP. Kaya lang mahusay raw sa pagpapairal ng double standard noon sina De Lima at kulong naman ang mga piniling kalaban.

Kung tutuusin daw, si dating Budget Sec. Butch Abad ang unang pinabilis dapat ang kaso para makatikim ng kalaboso. Tanong daw tuloy ng San Beda College of Law Graduate School na si Dean Fr. Ranhilio Aquino, bakit daw hindi inusig noon si De Lima. At bakit inuusig pa si Bong hanggang ngayon.

Napakarami ng senador na enjoy sa nakurakot nilang pera kaya ang dasal ni former Sen. Bong ay bigyan naman siya ng pagkakataong makalabas at hindi naman siya tatakas sa kaso. Fair and square lang kumbaga.

Comments are closed.