NATURAL sa mga Pilipino ang pagkahilig at pagmamahal sa isports gaya na lamang ng basketball, boxing, volleyball, swimming, tennis, track and field, at iba pa.
Bago nangyari ang pandemyang COVID-19, madalas tayong nakakakita ng mga kabataang naglalaro ng basketball, sipa, karera sa takbuhan, at iba pa sa mga lansangan. Sa murang edad pa lamang, kahit hindi pa namamalayan, mahilig na talaga tayo sa isports.
Mahalaga ang ginagampanan nitong papel sa kultura at pagkakakilanlan ng Pilipinas. Hatid nito ang inspirasyon, pag-asa, at pagkakataon para sa mga mamamayan lalo na para sa mga kabataan at mga atletang Pilipino. Nagiging daan din ang isports patungo sa pagkakaroon ng ma- gandang kinabukasan sa kabila ng hamon ng buhay gaya ng kahirapan. Maraming mga estudyante ang nakapagtatapos ng pag-aaral sa tulong ng mga scholarship grant na ibinibigay sa mga atleta ng mga kolehiyo, unibersidad, at ng pamahalaan.
Sa pamamagitan din ng isports, mas nakikilala ang Pilipinas hindi lang bilang bansang hitik sa likas na yaman kundi bansang may mahuhusay na atleta. Kitang-kita naman ang kahandaan at galing na ipinamamalas ng ating mga atleta sa kasalukuyang ginaganap na 32nd Southeast Asian Games sa Pnom Penh sa Cambodia. Ayon sa datos
mula alas-dos ng hapon noong ika-12 ng Mayo, nasa 154 na medalya na ang iuuwi ng delegasyon ng Pilipinas. 30 dito ay Ginto, 55 ay Silver, at 69 naman ang Bronze.
Isa sa mga atletang na- kasungkit ng gintong medalya para sa bansa sa larangan ng women’s soft tennis ay empleyado ng Meralco – si Noelle Zoleta. Dalawang gintong medalya ang kanyang iuuwi matapos maipanalo ang mga kategoryang Women’s Doubles at Women’s Team Event. Bahagi rin siya ng koponang gumawa ng kasayasayan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nanalo ng gintong medalya ang Pilipinas sa kategoryang Women’s Team Event. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang kanyang kagalakan na maging bahagi ng delegasyon ng Pilipinas para sa naturang torneo. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa Meralco dahil pinayagan siyang maging bahagi ng delegasyon sa kabila ng matagal-tagal na pagkawala sa trabaho. Aniya, “I’m really grateful and blessed that I belong in a company that supports sports.”
Hindi kataka-takang buo ang suporta ng Meralco kay Zoleta dahil ang kompanya ay bahagi ng MVP Group na pinamumunuan ng negosyante at pilantropong si Manny V. Pangilinan (MVP). Mula’t sapul, si MVP ay isa rin sa mga prominenteng personalidad na sumusuporta sa mga atletang Pilipino.
Bukod sa pagiging negosyante at pilantropo, kilala rin si MVP bilang isang sportsman. Sa katunayan, bahagi siya ng organisasyong punong-abala at mangangasiwa sa FIBA Bas- ketball World Cup 2023 na gaganapin sa darating na Agosto.
Talaga namang kapana-panabik ang taon na ito para sa Philippine Sports dahil taong 1978 pa nang huling ginanap ang FIBA World Cup sa Pilipinas, at sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng torneo, ito ay gaganapin sa tatlong iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas. Kaya naman talagang isang karangalan para sa ating bansa ang maging bahagi ng makas- aysayang kaganapang ito.
Inspirasyon at pagkakaisa rin ang hatid ng mga kaganapang ito sa industriya ng isports. Nakagagalak malaman na suportado ng mga organisasyon gaya ng Philippine Basketball Association (PBA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), at National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang pangangasiwa sa naturang torneo.
Ang tagumpay ng muling pagdaraos ng FIBA World Cup sa bansa ay nakasalalay sa pagkakaisa ng pribadong sektor, pamahalaan, at ng mamamayan dahil pare-pareho tayong nag- dadala sa pangalan ng Pilipinas. Ang matagumpay na pan- gangasiwa sa ganito kalaking torneyo ay tagumpay ng buong bansa.
Hindi talaga maitatanggi kung paano nagkakaisa ang bansa dahil sa isports. Para sa layuning magtagumpay sa ngalan ng Pilipinas, nakabubuhay ng loob makita ang pag- tutulungan sa pagitan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at mga miyembro ng pribadong sektor upang masiguro ang kahandaan ng bansa sa mga torneyong sinasalihan at pangangasiwaan nito.