KAPANGYARIHA SA PAG-ANGKAT NG BIGAS

Plano ng Department of Agriculture (DA) na ibalik sa National Food Authority (NFA) ang kapangyarihan na pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na maaaring paraan para tuluyang bumaba ang presyo ng bigas.

Ilang taon na rin naman nang alisan ng awtoridad ang NFA na mag-angkat ng bigas at mawala sa merkado ang NFA rice.

Binawi lamang ang kapangyarihan na ito mula sa NFA noong mapirmahan na at maisabatas na ang Rice Tariffication Law (RTL).

Dagdag pa nito na kung ito ay maibabalik ay magiging epektibo ang DA sa paglaban sa mga pang-aabuso ng mga rice traders at maiimpluwensiyahan ang presyo ng bigas.

Ang Rice Tariffication law ay ipinasa noong 2019 sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para mabawasan ang mandato ng NFA sa pag-emergency buffer stocking ng bigas na galing sa mga local na magsasaka.

Sakaling maibalik na ang kapangyarihan sa NFA, umaasa ang lahat na maging epektibo ito at makatulong nang todo sa lahat ng mamamayang Pinoy.