KAPASIDAD NG OSPITAL PARA SA BANGSAMORO PEOPLE PALALAWAKIN

LANAO DEL SUR- ISINUSULONG ni Bangsamoro Transition Authority Member of Parliament and Committee on Health Chairperson, Dr. Safrullah M. Dipatuan ang pag-upgrade sa Balindong Municipal Hospital.

Layunin ng Parliament Bill 102 na i-angat ang Balindong Municipal Hospital sa Bindayan mula sa kasalukuyang 10-bed capacity patungong 50-bed capacity hospital dahil karamihan sa mga ospital sa BARMM ay umabot na sa kanilang capacity limit bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay mahigit 40 bills na ang inakda at ipinanukala ni Dipatuan na naglalayong palakasin ang health system capacity, infrastructures at mga polisiya sa BARMM.

Sinabi ni Dipatuan na bukod sa pangangasiwa sa umiiral na heathcare system upang malabanan ang COVID-19, nais nila ng long-term improvements na magbibigay sa Bangsamoro people at sa kanilang frontliners ng mas maayos na healthcare system na handang humarap sa emerging infectious diseases at future pandemics.

Nito lamang Mayo, pinangunahan ni Dipatuan ang pag-turnover ng P24-million funding mula sa Office of the Chief Minister’s Transition Development Impact Fund sa mga ospital sa Lanao del Sur, kabilang ang Amai Pak Pak Medical Center, para sa financial assistance ng mahihirap na pasyente.

120 thoughts on “KAPASIDAD NG OSPITAL PARA SA BANGSAMORO PEOPLE PALALAWAKIN”

  1. 445701 931532I like what you guys are up too. Such smart work and reporting! Carry on the superb works guys Ive incorporated you guys to my blogroll. I think it will improve the value of my site 126248

Comments are closed.