NADOMINA ng JPS Zamboanga City ang Kapatagan tungo sa impresibong 89-53 panalo sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Leg Biyernes ng gabi sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
Nasustinihan ng JPS ang 24-8 bentahe sa first quarter at matikas na nabusalan ang bawat pagtatangka ng Buffalo Braves na makabawi sa laban para masungkit ang panalo sa kauna-unahang pro league sa South.
Nahila ng Zamboanga ang bentahe sa 64-39 mula sa matikas na 11-1 run tungo sa final period.
Nanguna si Gino Jumaoas sa ratsada ng Zamboanga sa kinamadang 13 puntos, habang kumana sina Rudy Lingganay at Mac Cardona ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Kumubra naman ang beteranong si Jerwin Gaco ng 10 puntos at siyam na rebounds.
Samantala, nagdesisyon ang mga opisyal na ikansela ang main game sa pagitan ng Iligan Archangels at ALZA Alayon Zamboanga bunsod ng patuloy na pag-ulan na naging sanhi para maging madulas ang playing court.
Abante ang Zamboanga del Sur sa 13-11 nang kanselahin ang laro. EDWIN ROLLON
Iskor:
Zamboanga City (89) – Jumaoas 13, Lingganay 12, Cardona 11, Gaco 10, Belencion 8, Yu 7, Salim 7, Espinas 7, Ferrer 6, Matias 4, Alvarez 4, Jeruta 0, Neypes 0, Waminal 0.
Kapatagan (53) – Monte 11, Mandreza 10, Palma 10, Teodoro 7, Inigo 5, Fajarito 5, Doroteo 2, Gabawan 2, Sollano 1, Siarot 0, Costelo 0, Alanes 0, Acain 0, Incio 0, Tabaquero 0.
QS: 24-8, 39-29, 64-39, 89-53
650717 300780whoah this blog is magnificent i really like studying your posts. 213509
944370 641309Private Krankenversicherung – Nur dann, wenn Sie sich fr die Absicherung ber die Rentenversicherung entschieden haben, dann knnen Sie sich sicher sein, dass Sie im Alter so viel Geld haben, damit Sie Ihren Lebensstandard halten knnen. 899149
277490 150615Yay google is my king helped me to locate this outstanding website! . 652041
42607 852411Im having a small dilemma. Im unable to subscribe to your rss feed for some reason. Im making use of google reader by the way. 502721
519981 543126That is the very first time I frequented your website page and thus far? I amazed with the research you made to create this particular put up extraordinary. 207685