ILOILO – NADAKIP sa buy bust operation ang kapatid ng dating PBA (Philippine Basketball Association) player na si Jerry Codiñera sa Barangay Tabucan, Barotac Nuevo.
Kinilala ng pulisya katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency ang inaresto na si Harmon Codiñera, 55, nag-tatrabaho bilang sports utility worker at stay-in sa training center sa nasabing bayan.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang walong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,000.
Inamin naman ni Codiñera na gumagamit siya ng droga na binibili pa niya sa Bacolod City, ngunit kanyang itinanggi na nagbebenta siya nito.
Si Harmon ay dating naglaro sa limang teams sa PBA kabilang na ang Purefoods kung saan sila nagkasama ng kapa-tid na si Jerry.
Nagretiro si Harmon noong 1999 at naging coach sa ilang basketball teams bago napadpad sa Barotac Nuevo, kung saan siya nagtuturo sa mga basketball player doon. AIMEE ANOC
Comments are closed.