ANG Singapore Summit sa pagitan ng North Korea at ng Estados Unidos ay inaasahang magbubukas sa pinto ng kapayapaan para sa dalawang bansa, maging sa South Korea at sa buong rehiyon.
Malinaw na nakakuha ng magandang deal ang leader ng Pyongyang kapalit ang denuclearization nito.
Maaalalang nalagay sa bingit ng alanganin ang Asya dahil na rin sa hindi maawat na serye ng nuclear testing ng Pyongyang.
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na may kakayahan na ang NoKor ng inter-continental ballistic missile na maaaring makapag-deliver ng nuclear warhead sa US.
Nakamtan na nga ng Pyongyang ang leverage para seryosohin ng US at South Korea, kaya ang Singapore Summit ay napaka-critical para buksan na ang tunay na pagkakaibigan sa mga bansang involved dito at makatutulong nang malaki para sa katiwasayan ng buong Asya.
Ito ay isang tinik at hamon para sa sangkatauhan, isa pa ay ang ginagawang pangingialam ng Tsina sa West Philippine Sea na lumilikha rin ng angilan at pangamba para sa mga bansa sa Asya kasama ang Filipinas.
Nasa pag-uusap ‘yan, walang puwang ang mga agresibong pamamaraan para sa isyung ito, at walang puwang sa sibilisasyon ang pakikipagdigma samantalang may mga paraan upang magkaunawaan at marating ang win-win solution.
Kaya naman tunay na napakapositibong hakbangin ang Singapore Summit na maaaring maka-inspire at magsilbing modelo para sa mga hakbanging pangkapayapaan.
Ang MASAlamin ay palaging nakatutok sa mga usaping pangkapayapaan dahil ito ang susi sa pag-unlad ng Filipinas at lalo pang pagpapalakas ng pagkakaibigan ng mga bansa sa Asya sa komunidad ng mga kontinente at bansa sa buong daigdig.
Comments are closed.