KUMPIYANSA ang hepe ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations, na si PMaj. Gen. Rhodel O. Sermonia na malapit nang magwakas ang sigalot sa mga kanayunan at kabundukan na karaniwang kinasasangkutan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ito ang sentro ng naging pulong-balitaan gamit ang ‘virtual’ platform ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes.
Ayon kay Major Sermonia, na ang PNP kasama ang lahat ng sangay ng pamahalaan sa pagsusulong ng “whole-of-nation approach”, ang tatapos sa limang-dekada ng insureksiyon ng CPP-NPA-NDF bago pa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa June 30, 2022.
“Matapos ang limang-dekada tanging ang Duterte administration lamang ang determinado na pagsama-samahin ang lahat upang masolusyunan ang problema ng insureksiyon.
Sa mga nagdaang taon, nakita na natin unti-unting pananagumpay gaya ng pagsasabatas ng anti-terror bill at ang pagbansag sa mga CPP-NPA bilang mga terorista, at maging ang mandato ng Executive Order 70 na nagtatago ng NTF-ELCAC.
At marami pa pong ibang mga programa para finally we can end this local communist armed conflict,” pahayag pa ni Sermonia na dating director ng Police Community Relations. EUNICE CELARIO
550518 790908Thrilled you desire sensible business online guidelines maintain wearing starting tools suitable for the certain web-based business. cash 961861