Pilya at makulit umano ang nag-iisang anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Peanut o Rosie.
Manang mana raw ito sa ama at sa lolong si Edu Manzano.
Kahit isang taon pa lamang, may mga kalokohan na umano ito, tulad ng paglalambing at paghalik, pero kapag tinangka mong kargahin ay tatakbong palayo na para bang nagpapahabol.
Sigurado si Luis na ugaling Manzano ang kapilyahan ng kanyang anak dahil hindi raw ganoon si Jessy at lalo naman ang kanyang inang si Vilma Santos.
At least, may namana naman pala sa Manzano ang bata.