ILANG Filipino na ba ang naakit na magtungo sa Land of Maples – Canada. Kasi naman, ang daming benefits at maliit lang ang diskriminasyon sa mga colored people. Binibigyan din nila ng mataas na pagtingin ang mga Filipino, dahil bukod sa masisipag tayo, matatalino pa.
Dito naman sa Pilipinas, natutuwa tayo sa mga Hollywood stars at singing sensations tulad nina Anne Murray, Paul Anka, Dan Aykroyd, Bryan Adams, at syempre, sina Celine Dion at Justin Bieber. Lahat sila, Canadians. Ang Canadian thespic and musical talents ay umaapaw kahit pa sa Pilipinas. Bakit hindi? Sa dami ba naman ng Filipino sa Canada, magtataka ka pa?
Canada ang #1 destination ng mga manggagawang Filipino. Dito sila nakakatagpo ng pag-asa upang makakuha ng permanent residency status at para na rin makakuha ng mas magandang kalidad ng buhay para sa kanilang pamilya. Kumpara sa ibang bansa, mas madaling makakuha ng competency equivalencies sa bansang ito dahil halos magkatulad ang Philippine education sa Canadian education.
Maraming Pinoy ang nagnanais magtungo sa Canada dahil sa dami ng benepisyo, kasama na ang pagkuha ng Canadian Citizenship, access sa libreng healthcare, free education para sa kanilang mga anak, bukod pa sa dami ng oportunidad dahil sa taas ng employment rate.
Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko sa inyong Tagalog na ang fifth most common non-official language na ginagamit ngayon sa mga tahanan sa Canadian? Ang top 10 immigrant languages na iba pa ay Punjabi, Chinese n.o.s., Cantonese, Spanish, Tagalog, Arabic, Mandarin, Italian, Urdu at German.
Iba-iba ang cost of living sa Canada, depende sa siyudad, gayunman, ang national average cost of living sa Canada para sa isang tao ay $2,730 per month, at para sa family of 4, pwede na siguro ang $5,158.
Pinakamaraming Pinoy sa Toronto, ang Canadian metropolitan area, kung saan may 274,760 Filipino, sunod ang Vancouver (133,925), at Winnipeg (77,305).
Metropolitan area din ang Winnipeg, na ang karamihan sa mga Filipino ay may per capita basis na 9.9%, sunod ang Yellowknife (6%), at Calgary at Vancouver tied (5.4%).
Napakaraming Pinoy sa Canada. In fact, Filipino Canadians ang fourth largest subgroup ng overseas Filipinos at isa sa fastest growing groups sa Canada.
Ang average good salary sa Canada ay $42,206 per year o $21.64 per hour. Kung entry-level position naman, pwedeng $29,250 per year, habang ang mga may experience na ay umaabot ng $92,000 per year. O, paano? Punta na tayo ng Canada?. KAYE NEBRE MARTIN
409488 255815A quite quite interesting article! Ill try to track that continues here! Thank you. 832206
Your writing is perfect and complete. casino online However, I think it will be more wonderful if your post includes additional topics that I am thinking of. I have a lot of posts on my site similar to your topic. Would you like to visit once?
Your explanation is organized very easy to understand!!! I understood at once. Could you please post about majorsite ?? Please!!
160315 638529You must join in a tournament initial of the greatest blogs on the web. I will recommend this internet web site! 464329
846564 805384You will notice several contrasting points from New york Weight reduction eating program and every 1 1 could be helpful. The first point will probably be authentic relinquishing on this excessive. shed weight 641264