KAPISANAN NG MGA DIREKTOR NG PELIKULANG PILIPINO GINULO NI VIVIAN VELEZ

VIVIAN VELEZ

NAKAUSAP namin si Direktor William G. Mayo sa story conference niya ng “Macario Sakay” kamakailan  lang sa Off The Grill Restobar, Timog Ave., cor. Scout Torillo, QC. Dito tumutugtog ang musikerong anak ni Direk William na si Edward at ang kanyang banda na Crate, most sought-after sa mga millennial chiller and sound tripper.

Si Edward ay isa  ring batikang Director of Photography (DOP) ni Direk William. Sabi nga to digress a bit mas mahusay daw ang isang filmmaker like a DOP  kung siya ay musician o music aficionado rin dahil all aspects of filmmaking require inner rhythm.

Si Direk William ay Presidente ng Kapisanan Ng Mga Direktor  Ng Pelikulang Pilipino (KDPP) at hindi niya nagustuhan ang tila baga dikta-dur­yang pamamalakad ni Vivian Velez na siyang pumalit kay Direktor  Leo Martinez sa  pamamahala ng Film Academy of the Phil. (FAP).

Walang kaabog-abog basta na lang daw sinabi ni Miss Velez na magpapare-accredit ang lahat ng Guild members under FAP.

Dito nag-react si Direk William at nag-post siya sa Facebook to the effect na “the Guilds under an Executive Order time pa ni ex-Pres. Ferdinand E. Marcos ay independent and can exist without the FAP, but that the FAP cannot exist without the Guilds…”

Dagdag pa ni Direk William na kung gusto itong baguhin ni Miss Velez mag-lobby at ipa-amend muna niya sa Kongreso which will take an eternity to do hahaha!

Uminit talaga ang ulo ni Direk William. Mabuti na lang kumambyo siya sa pagbalita na ang KDPP (kung saan si Direk George Vail Kabristante ay Chairman of the Board of Directors) ay siyang presentor ng napipintong red carpet grand Philippine premiere ng multi-awarded sci-fi-horror-suspense thriller titled “Ascension” sa Feb. 15 (Sat.), 4:00 P. M., Cine Adarna, UP Film Center, Q. C. Free daw ito sa mga media people.

Ito ay ipri­nodyus ni Arsy Grindulo, Jr., isang Pinoy self-made man sa Los Angeles, California na naging kasabayan pang naging Gawad Amerika awardee ng King of Talk na si Boy Abunda.

Sabi pa ng naturang prodyuser, “It is one of the toughest jobs to be a producer in the realm of Hollywood filmmaking.”

Kakatapos lang din’ nyang mag-prodyus ng pangalawang film billed ” A Mermaid For December ” pero naka-focus siya ngayon sa pag re-release ng unang film.

Masaya siya sa kina­lalabasan sa unang venture niya. Nakahakot ito ng halos 15 awards and still counting.

Ang pinaka-latest award nito ay ang Best Independent Film na igi­nawad ng National Film and TV Awards sa Hollywood.

Si Grindulo, Jr. mismo ang tumanggap kasama ang direktor at child actress, etc.

Kasabayan nilang nanalo si Quintin Tarantino para sa pelikulang “Once Upon A Time In Hollywood” for Best Director and Best Picture respectively. Nanalo rin dito si Robert  De Niro bilang Best Performer.

So kita-kits sa Cine Adarna sa Feb. 15, 4:00 p.m., 2020.

Comments are closed.