KAPISTAHAN NI SAN JUAN BAUTISTA DINARAYO NA

San Juan Mayor Guia Gomez

HINDI lang mga taga-lungsod ng San Juan ang nagdiriwang ng kanilang kapistahan kundi nakikiisa na rin ang mga dayuhan sa pagdiriwang nito.

Ayon kay San Juan Mayor Guia Gomez at anak nitong si Senador  JV Ejercito, dinarayo na ang kapistahan ni San Juan Bautista na dati-rati ay puro taga San Juan lamang ang nakiisa.

“Mas maraming nakiisa sa pagdiriwang ngayong taon meron mula sa mga opisyal ng mga probinsiya gaya ng Davao at iba pang probinsiya at mga lungsod sa bansa. Meron din taga-Sta. Barbarra, California at Hawaii,” anang alkalde.

Aniya, mas dinadagsa na ngayon ang pista ni San Juan Bautista at kahit mas dumarami ang nakikiisa sa kanilang pista ay nasa maayos pa rin ang pagdiriwang kung saan ay mayroong oras ang kanilang ginawang pagbasa sa mga nakikipista.

“Simula 7am to 11am ang simula ng basaan at mayroong mga pulis na naka-deploy para magbigay ng kaayusan sa bawat barangay,” ayon sa senador.

Sinabi pa ni Senador Ejercito, kung dati umano nababalita ang kanilang pista ay nauuwi sa away o kaguluhan ngayon ay nababa-lita na ang kapistahan dahil sa kasiyahan.

“5 yrs. ago kapag fiesta laging saksakan at gulo ang nababalita sa ating lungsod pero simula nung nilagyan natin ng patakaran at isinaayos natin lahat ay puro kasiyahan na ang nalalagay sa periodico,” dagdag pa ng senador.

Nilinaw pa nito, pagdating umano sa pagbasa ng mga tao lalo na sa mga dumaraan lamang sa lungsod ay kanila nang sinabihan ang mga barangay official na huwag basta-basta mambabasa lalo na sa mga pampublikong sasakyan dahil may mga nagtatrabaho na hindi dapat mabasa.

Gayundin, dapat din umanong isapuso ang pagdiriwang ng pista at magsimba kung saan malaki rin ang naging “improvement” sa bawat taon ng pagdiriwang ng araw ng San Juan.  MARVIN BALUTE

Comments are closed.