KAPIT SA 2ND SPOT HIHIGPITAN NG LADY FALCONS

Standings W L
DLSU 9 0
AdU 6 2
UST 6 3
NU 5 3
FEU 4 5
Ateneo 3 5
UP 1 7
UE 0 9

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
10 a.m. – NU vs UP (Men)
12 noon – NU vs UP (Women)
2 p.m. – AdU vs Ateneo (Women)
4 p.m. – AdU vs Ateneo (Men)

ITATAYA ng Adamson ang kapit sa ikalawang puwesto sa pagsagupa sa Ateneo, habang umaasa ang defending champion National University na makabawi mula sa back-to-back losses sa league-leading La Salle kontra University of the Philippines sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Araneta Coliseum.

Umaasa ang Lady Falcons na maulit ang kanilang 25-15, 25-23, 25-13 first round conquest sa Blue Eagles sa alas-2 ng hapon, matapos ang Lady Bulldogs-Fighting Maroons showdown sa alas-12 ng tanghali.

May 6-2 record, ang Adamson ay may half-a-game lead sa University of Santo Tomas (6-3) sa karera para sa No. 2 ranking, sa traditional Final Four man o sa step-ladder format.

Matapos ang elimination round head-to-head sweep mula sa mga kamay ng La Salle, ang NU ay nahulog sa fourth place sa 5-3, naghahabol sa UST ng kalahating laro.

Nasa labas ng top 4 na may 3-5kartada, ang Ateneo ay bawal nang matalo para manatili sa kontensiyon sa Final Four.

Subalit sa nilalaro ng Lady Falcons, kailangan ng Blue Eagles na iangat ang lebel ng kanilang laro para mahila ang kanilang winning streak sa tatlo.

“The second round is every win matters but what matters more is yung performance namin as a team and how much our desire to win, to get that win for this second round and starting on a high note,” pahayag ni Ateneo skipper Faith Nisperos.

“I think it’s the product of the everyday learning and training na ginagawa namin and of course, in every training, lagi kaming nacha-challenge to push hard and to reach our limits. So ‘yun lang naman.”

Samantala, ang UP ay may isang panalo lamang sa walong laro.