Team Standings
W L
MJAS-Talisay* 8 0
KCS-Mandaue 5 2
ARQ Lapu-Lapu 4 4
Tabogon 3 5
Dumaguete 1 5
Tubigon Bohol 1 6
*Clinched semis berth
Mga laro ngayon:
(Alcantara Civic Center, Cebu)
3 p.m. – Tubigon Bohol vs KCS-Mandaue
7 p.m. – Dumaguete vs MJAS-Talisay
SISIKAPIN ng KCS Computer Specialist-Mandaue City na makabawi para patatagin ang kapit sa solong ikalawang puwesto sa pakikipagtipan sa naghahabol na Tubigon Bohol sa pagpapatuloy ng second round ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg ngayon sa Alcantara Civic Center sa Cebu.
Target ng KCS na makabangon mula sa 73-81 pagkatalo sa nangungunang MJAS Zenith-Talisay City noong Sabado at malaki ang tsansa nila laban sa kulelat na Bohol side. Ang naturang kabiguan ang pumutol sa five-game winning streak ng Mandaue City para sa 5-2 karta sa double-round elimination ng pinakaunang pro basketball league sa South sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at may basbas ng Games and Amusements Board (GAB).
Nakatakda ang salpukan sa alas-3 ng hapon.
Sa main game sa alas-7 ng gabi ay puntirya ng MJAS Zenith Talisay na mapanatili ang malinis na kartada laban sa Dumaguete Warriors.
Target ng Talisay City ang ika-9 na sunod na panalo na magpapatibay sa kanilang paghahangad na maitala ang ikalawang sunod na ‘sweep’. Ngunit anuman ang maging resulta ay sigurado na ang Talisay City sa isang semifinals slot
411416 507424Ive read several good stuff here. Certainly value bookmarking for revisiting. I surprise how significantly effort you put to create one of these exceptional informative site. 304416
472050 559125Yeah bookmaking this wasnt a bad decision excellent post! . 906952