Standings W L
NU 6 1
FEU 5 2
Ateneo 5 2
AdU 5 2
UST 3 4
DLSZ 3 4
UE 1 6
UPIS 0 7
Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
9 a.m. – UE vs UST (Jrs)
11 a.m. – FEU vs AdU (Jrs)
1 p.m. – DLSZ vs UPIS (Jrs)
3 p.m. – NU vs Ateneo (Jrs)
SISIKAPIN ng National University na mapatatag ang kapit sa liderato sa pakikipagtipan sa defending champion Ateneo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 81 juniors basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.
Umaasa ang Bullpups na makapagtala ng panibagong winning streak sa kanilang televised 3 p.m. duel ng Blue Eaglets sa re-match ng Finals noong nakaraang taon.
Makaraang maungusan ng Adamson University na tumapos sa kanilang unbeaten five-game run, ang NU ay nakabalik sa trangko sa pamamagitan ng 78-62 pagdispatsa sa Ateneo para sa 6-1 record sa pagtatapos ng first round noong nakaraang Dis. 15.
Target na mabawi ang korona na huli nilang napanalunan noong 2016, ang Bullpups ay sasandal kina first-year center Carl Tamayo, na sa apat na laro ay may average na 11.5 points, 9.3 rebounds at 1.8 blocks kada laro, at Terrence Fortea, na nangunguna sa koponan sa scoring na may 14.3 points.
Pangungunahan naman ang Eaglets, nakaipit sa three-way tie sa 5-2 sa Baby Falcons at Far Eastern University-Diliman, ni frontliner Kai Sotto.
Comments are closed.