Standings W L
DLSU 5 0
AdU 4 1
NU 4 1
UST 3 2
FEU 2 3
Ateneo 1 4
UP 1 4
UE 0 5
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
9 a.m. – UE vs FEU (Men)
11 a.m. – UE vs FEU (Women)
3 p.m. – UST vs Ateneo (Women)
5 p.m. – UST vs Ateneo (Men)
SISIKAPIN ng University of Santo Tomas na mapatatag ang kapit sa No. 4 spot sa pagsagupa sa inaalat na Ateneo sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Filoil EcoOil Centre.
Haharap sa Blue Eagles squad na galing sa three-game losing skid, nais ni coach Kungfu Reyes na makita ang mas pinong Tigresses sa 3 p.m. match
“Noong sa Adamson, iyon ang pinaka-wake-up call,” sabi ni Reyes makaraang maibalik ng UST ang kanilang winning ways sa 25-17, 25-23, 25-20 panalo kontra University of the Philippines noong nakaraang Sabado. “Ang aim namin ngayon is linisin namin ‘yung laro namin.”
“This time, pinipilit namin na maging 85 percent…90 percent na maging malinis ‘yung galaw namin. Ilalaan namin yung 10 percent for the errors, mga unforced errors namin. Pero hanggang kaya naming itaas, ma-limit pa ang mga error, mas maganda kasi nga it’s everybody’s game. Everybody improved, tumaas yung level ng competition. Lahat ng bata is talagang nakapag-prepare naman ng maayos,” dagdag pa niya.
“Kami nga nakapag-prepare ng maayos eh, pero kapag hindi maganda ang apak mo sa court, magkakaroon ka ng malaking problema. So those things na kailangan naming i-overcome, kailangan naming itama kung ano ang nararamdaman nila. Kasi it’s more of mental aspect na noong nakaraan. Hindi na sumunod yung utak lalong-lalo na yung katawan, ayaw na sumunod kasi halos naninigas na.”
Nasa ika-4 na puwesto na may 3-2 record, nais ng Tigresses na umangat pa dahil malapit nang matapos ang first round.
Makakaharap naman ng Far Eastern University, may 2-3 kartada at naghahabol sa UST ng isang laro, ang wala pang panalong University of the East sa curtain raiser sa alas-11 ng umaga.
Sa kanilang panig, umaasa ang Ateneo na makabawi para hindi mapag-iwanan sa Final Four race.
Ang Blue Eagles, katabla ang Fighting Maroons sa 1-4 sa sixth place, ay galing sa 18-25, 23-25, 19-25 pagkatalo sa Lady Falcons noong nakaraang Linggo.