KAPIT SA SOLO 2ND HIHIGPITAN NG MAROONS

maroons

Mga laro ngayon:

(Ynares Center)

2 p.m. – UE vs UP (Men)

4 p.m. – DLSU vs AdU (Men)

SISIKAPIN ng University of the Philippines na mapatatag ang kapit sa solong ikalawang puwesto sa pakikipagtipan sa mapanganib na University of the East, habang mapapalaban ang Adamson sa nagkukumahog na La Salle sa kapana-panabik na UAAP men’s basketball doubleheader ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Malaki ang respeto ni Fighting Maroons coach Bo Perasol sa Red Warriors, na nakakuha ng breakthrough makaraan ang tatlong sunod na double-digit losses sa pamamagitan ng 89-88 pagsilat sa Green Archers, sa 2 p.m. contest.

“It’s the same thing — to put value into the couple of wins that we had in the last week. We need to go out strong against UE who is on cloud nine right now. That’s a very dangerous team,” wika ni Perasol.

Ang isang bagay na nasa isip ngayon ng UP ay si Rey Suerte, ang one-and-done Cebuano player na nagsalpak ng game-winner para sa Recto-based squad kontra  La Salle noong nakaraang linggo.

“We have to find a way how to defend them, most especially their main scorers. But for ourselves, we just have to keep improving, keep playing with each other, keep playing through each other. That’s the most important aspect of how we’re going to grow as the season is going to pass,” ani Perasol.

Umaasa naman si Franz Pumaren na magkakaroon ng sapat na bala ang kanyang Falcons upang manatili sa top four sa kanilang  4 p.m. showdown sa  Archers, na kinatatakutan pa rin ng multi-titled coach sa kabila na malapit ito sa ilalim ng standings.

“It’s a killer schedule for us. We played Sunday, we played today (Wednesday), we play Saturday. But of course, as you can see, they (La Salle) have a very good team,” ani Pumaren.

Umangat ang Maroons sa No. 2 na may 3-1 kartada, salamat sa superb showing ni second-generation player Kobe Paras na may average na 22.5 points, 6  rebounds at 1.5 assists sa one-point wins laban sa National University at Adamson.

“It feels great. I’m grateful that I’m here in this amazing tournament but I just want to focus on the team. Basketball is a team game so I just can’t wait to get ready for the next game,” wiak ni Paras.

One thought on “KAPIT SA SOLO 2ND HIHIGPITAN NG MAROONS”

  1. 507712 83400Hello there, just became alert to your blog by way of Google, and located that its truly informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate should you continue this in future. A lot of men and women will probably be benefited from your writing. Cheers! xrumer 44992

Comments are closed.