KAPITAN, 2 PA NA KILLER NG PULIS  ISINAPUBLIKO

KAPITAN HULI

CAMP CRAME – INIHARAP  kay PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang pulis  na nakatalaga sa Pasay City Police station nitong June 1 habang ito ay naglalakad kasama ang kanyang dalawang anak.

Kinilala ni Southern Police District  Director Tomas Apolinario ang mga suspek na sina alyas Norman, 19, residente ng #1772 Tramo St., Brgy. 46, Zone 6, Pasay City; Anthony Jay Monsalve a.k.a. Pater, 33, ng ­Barangay 46, Zone 6 at Chairman Nestor Advincula.

Ang biktima ay nakilalang si PO3 Rafael Sibungan na kaba­balik pa lamang sa Pasay City police station na dating nakatalaga sa PNP PRO-ARMM – Police Regional Office A- Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay Apolinario, ang motibo sa pamamaslang kay Sibungan ay may kinalaman sa politika matapos na aminin ni Norman na siya ay binayaran ni Advincula ng halagang  P20,000 upang patayin ang biktima.

Napag-alaman din na bago ang pamamaslang kay Sibungan ay naging maingay ito sa kanyang pahayag na diumano ang talamak na bentahan ng droga sa kanilang lugar ay may proteksiyon sa mga opisyal ng barangay.

Isa rin umano sa anak ng biktima ang tumakbo bilang barangay chairman noong nakaraang halalan laban kay Advincula subalit ito ay natalo.                            MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.