KAPITAN SA BULACAN TINAMBANGAN

DEAD on the spot ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Sitio Tugatog, Brgy. Marungko, Angat, Bulacan.

Sa initial report ng Angat Municipal Police, ala-6:30 ng umaga nitong Sabado, Agosto 3, nang pangunahan ni Kap. Wenceslao Bernardo ng Brgy. Marungko ang cleanup drive sa kaniyang nasasakupan.

Bigla na lamang pinagbabaril ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang biktima,

Tatlong tama ng bala ang sanhi ng dagliang pagkamatay ng kapitan.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungong bayan ng Bustos.THONY ARCENAL