KAPITANANG NANIGAW NG MGA KABATAAN INIREKLAMO

UMAPELA sa pamahalaang lokal ng Taguig ang ilang residente na silipin ang umano’y walang habas na pagmumura at paninigaw ng isang Kapitana ng Barangay sa mga kabataan kamakalawa ng gabi sa Brgy. East Rembo.

Ayon sa mga residente, dumating ang Kapitana sakay ng kanyang sasakyan at nadaanan ang mga kabataan sa tapat ng kanilang bahay.

Bumaba ang kapitana at sinita umano ang mga kabataan na imbes na pakiusapan ng maayos ay pinapalayas, pinagsisigawan, pinagmumura sila.

Puna ng ilang residente, mistulang inaabuso ng Kapitana ang kanyang posisyon na kung saan hiling lang sana ay maging mabuting public servant ito.

Nanawagan na rin ang mga nasaktang partido sa Department of the Interior and Local Government, Tulfo in Action, DILG National Capital Region, at kay Benhur Abalos upang aksyunan ang ganitong uri ng public servant.

Sa pamamagitan ng video na ini-upload ng isang Mike sa kanyang Facebook account mula sa anonymous sender, nanawagan ito kay Mayor Lani Cayetano na tignan itong reklamo ng kanyang constituents.

Ayon naman sa Kapitana, dapat nirerespeto rin siya at kung nakinig sa kanya ang mga menor de edad na pumasok na sa kanilang bahay.
CRISPIN RIZAL