Kapitbisig Helpline, puwedeng tawagan ng mga taong stressed sa pandemya

HINIHIKAYAT ng Department of Health (DOH) -CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang mga indibidwal na nakakaramdam ng stress ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, na kumontak at magpakonsulta ng libre sa “Kapitbisig Helpline” Facebook page upang malampasan nila ang kanilang nararamdamang kalungkutan, pagkabagabag at kawalang-pag-asa.

Ayon kay Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo, ngayong patuloy ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19, maraming tao ang nakakaramdam ng takot, pangamba at stress, na normal na tugon lamang aniya kung may panganib kinakaharap o kung nahaharap sa sitwasyon ng walang katiyakan.

“Despite the health risks posed by the pandemic, many of us must work, and these includes frontliners and law enforcement who are first-hand witness to the effects of the virus at dito nagkakaroon ng stress dahil sa prolonged exposure sa virus,” aniya pa.

“Yung fear of contracting the disease, especially when you’re a frontliner, ay nakakadagdag sa nararamdaman mong stress kasama na dito ang mga pagbabago na kailangan mong gawin sa buhay mo gaya ng pag-iingat sa sarili mo para hindi ka mahawa at hindi ka makahawa ng Covid virus,” paliwanag pa ni Janairo.

“Our movements are restricted and slowed down in support of efforts to contain the spread of the virus. We need to cope with these new realities of life including working from home, temporary unemployment, home-schooling of children, and lack of physical contact with other family members, friends and colleagues, it is important that we look after our mental, as well as our physical health,” dagdag pa niya.

Nabatid na ang regional office ay patuloy namang nagkakaloob ng mga gabay at payo para sa mga naturang indibidwal, kabilang na ang health workers, senior citizens, at mga taong naka-isolate, upang mabantayan ang kanilang mental health sa panahong ito ng pandemya.

Ang publiko ay inaanyayahang bumisita sa Kapit Bisig page at Kapitbisig Calabarzon mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00AM hanggang 5:00PM o di kaya ay kumontak sa mga numerong 0916-339-4932 para sa Globe at 0961-769-5389 para sa Smart subscribers.

Ayon kay Paulina A. Calo, Regional Mental Health Coordinator, ang Kapit-Bisig Helpline ay nagkakaloob ng psychological first aid (PFA), Psychological interventions, Psychiatric Consultation and Treatment, at Referral sa iba pang health-related services.

“It is facilitated by trained providers of Mental Health Psychosocial Support and Psychological First Aid. The consultation service is free and being handled by top psychologists in the country,” aniya pa. Ana Rosario Hernandez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *