TINIYAK ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla na may planong ilipat ang kapitolyo ng kanilang lalawigan at ito ay malapit sa bayan ng Palo makaraang abandonahin ang gusaling panlalawigan nang maitala ang lamat bunsod ng 6.5 magnitude earthquake noong Abril 23.
Paliwanag ni Petilla, mahigit 100 taon nang nakatirik ang gusali na unang itinayo bago ang Japanese occupation noong World War II at nakaranas ng matinding pag-ulan nang tumama ang Super Typhoon Yolanda noong 2013.
Naging matibay ito sa maraming pagyanig sa nakalipas at sakaling maging matagumpay ang paglipat ay magiging museum naman ang lumang gusali.
Tinukoy naman ni Petilla kung saan itatayo ang bagong Provincial Capitol at ito ay sa Palo West Bypass Road na may layong 13 kilometro sa Tacloban.
Inaasahang magiging convenient ang lugar dahil naroon na rin ang regional offices ng national government agencies.
Tinaya naman ni Petilla na sa loob ng tatlong taon ay makukumpleto o gawa na ang bagong gusali ng kapitolyo.
“We will find ways to finance the construction of the new capitol not from our internal revenue allotment share. The provincial engineer has yet to come up with the budget required to construct the building,” ayon pa kay Petilla.
PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.