MAGANDANG nauso ang online benefit concert ngayong nasa enhanced community quarantine ang bansa natin dahil sa Covid-19 pandemic. Madaling tumulong sa mga nangangailangan, personal man o mga pagtulong sa mga grupo tulad sa ating frontliners, ang ating mga artista at celebrities.
Kaya naman bumuhos ang pagmamahal ng mga Kapuso stars nang yumao ang isang Kapuso talent at director of photography ng mga shows ng GMA Public Affairs na si Joseph delos Reyes, dahil sa Covid-19, para sa mga naiwan niya, ang wife at anak niya.
Pinangunahan ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang online benefit concert at sinamahan sila ng ibang Kapuso stars, sina Julie Anne San Jose, LJ Reyes, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, The Cips (Chynna Ortaleza and Kean Cipriano), Sponge Cola, Ice Seguerra, Manilyn Reynes, Denise Barbacena, Tom Rodriguez, Jeffrey Hidalgo, Gladys Reyes and Christopher Roxas, Buboy Villar Jr., Jelai Andres at King Badger at si Arra San Agustin.
Ibinahagi rin nila sa online concert na mabait, humble at magaang katrabaho si Joseph.
Kaya kung gusto pa ninyong magpaabot ng tulong para sa mag-ina ni Joseph na naiwan niya, pwede kayong mag-deposit sa account name ni Ashiana Mago, BPI account #3189319699 at BDO account #000161122337. Salamat po.
SUNSHINE DIZON NAKABAWI SA MGA ANAK NGAYONG ECQ
NAHINTO man ang taping ni Sunshine Dizon ng “Magkaagaw” with Sheryl Cruz, Klea Pineda at Jeric Gonzales, hindi niya problema kung lagi siyang nasa bahay lamang dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) dahil iyong lagi niyang nami-miss na bonding sa mga anak niyang sina Doreen at Anthony kapag busy siya sa work, ay nagagawa niya ngayon araw-araw.
Kaya nang mag-celebrate ng kanyang 9th birthday si Doreen, siyempre pa ay masaya ang bagets at si Anthony rin, dahil kahit walang malaking party, sama-sama naman sila sa bahay at nag-enjoy pa rin. Pinost pa ni Sunshine ang picture na may birthday cake si Doreen sa kanyang Instagram with a caption na “Asalto for my baby love, my forever China doll, my one and only Sunshine girl and my first born, @doreenisabeltan.”
Meanwhile, masaya si Sunshine na dahil stop taping sila kaya hindi naipapalabas ang kanilang “Magkaagaw” daily after ng “Eat Bulaga,” napapanood pa rin siya ngayon sa replay ng kanilang top-rating afternoon prime drama series na “Ika-6 Na Utos” with Gabby Concepcion and Ryza Cenon, Rich Asuncion and Mike Tan, Monday to Saturday pa rin, pagkatapos ng “Eat Bulaga.”
Comments are closed.