KAPUSO STARS VALEEN, LOVELY AT CHARIZ MAGKAKASOSYO SA NEGOSYO

BUKOD sa kanilang showbiz career ay magkasosyo ang mga Kapuso actress na sinaentra eksena Valeen Montenegro, Chariz So­lomon at Lovely Abella sa pagbebenta ng caps na may design sa pinagsama-sama nilang pa­ngalan na tinawag nilang ValeenChaGa.

And take note, dahil parehong mahuhusay sa salestalk ay bentang-benta sa online ang itinitindang sombrero ng mga ito na hindi naman sobrang mahal kaya afford ng kanilang clients. Majority ng customers nina Valeen, Chariz at Lovely ay kapwa nila celebrity at tinatangkilik din ng kanilang fans ang ValeenChaGa. Puwede ka­yong mag-order sa social media account ng mga nabanggit na Kapuso stars.

MARA ARAGON AT MIGZ COLOMA PASISIKATIN NG FAMAS FASHION ARTS ICON NA SI EDWIN ROSAS VISDA

FEW weeks ago, sa pamamagitan ng pocket presscon sa Woorijib Korean Resto ay MARA AT MIGZpormal nang ipinakilala ng fashion stylist-talent manager na si Edwin Rosas Visda ang dalawang alagang singer na sina Mara Aragon at Migz Coloma. At sosyal dahil ‘yung pictorial nina Mara at Migz sa ginamit na streamer sa kanilang intimate presscon ay sa Baguio pa ginawa.

Actually, hindi na baguhan sa showbiz itong si Mara at marami na raw siyang nagawang project at kabilang na rito ang stage play na pinagbidahan niya. Itong si Migz ang talagang baguhan at galing pang London ang young artist na nagpasampol ng kantang Forevermore and for us pasado ang boses nito tulad ni Mara na mahusay kumanta ng broadway songs na tulad ng mga kinakanta ng idol na si Lea Salonga.

Inihahanda na ang CD album na gagawin nina Mara at Migz at mula raw ito sa komposisyon ng kilalang composer sa Baguio at sa lugar na ito nakatakdang mag-recording ang mga talent ni Edwin na ngayon ay isa ng certified talent manager. Kinakarir din pala ni Migz ang pagmomodelo.

By the way, bukod sa pagma-manage ay may sarili ring career si Edwin na in-demand sa pagiging fashion stylist at kinilala siya ng FAMAS at binigyan ng parangal na “Fa­shion Arts Icon.” Nasa cover ng glossy magazine na BEST sina Migz at Mara.

EAT BULAGA NAGSIMULA NANG MAGPA-AUDITION SA KANILANG MGA THROWBACK SEGMENTS

ANG dating Birit Baby, na sinalihan noong 1998 ng ngayo’y international stage eat bulagaactress na si Rachelle Ann Go na 2nd runner up sa nasabing singing contest sa Eat Bulaga ay ginawa ng “Birit Queens.”

Ongoing na ang auditions para rito, kaya sa mga interesado na magkaroon ng magandang exposure sa Bulaga ay narito ang qualifacation para makasali: dapat ay  isa kang biritera, female ages from 18 to 25 years old.    Para sa requirements: birth certificate, 3R picture (whole body and close up), valid ID at music material. Puwede na ring mag-audition ang mga nais sumali sa Tsuperstar, Maid In the Philippines at Ikaw At Echo. Mag-sadya lang Lunes hanggang Biyernes mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon sa APT Studios.

Comments are closed.