KAPUSO YOUNG ACTOR MIGUEL TANFELIX NAG-BUKAS NG MILK TEA SHOP SA CAVITE

MIGUEL TANFELIX-3

BALIK-TAMBALAN sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa bago nilang teleserye na “Sahaya” naentra eksena mapanonood na ngayong Pebrero sa  GMA7.

Bukod sa pagiging actor ay may negosyo na rin si Miguel at ito ay ang sarili niyang Milk Tea Shop na OPM o Orig Na Pinoy Milktea na mata-tagpuan sa Dasmariñas, Cavi­te. Kakaiba ang flavors ng mga milk tea ni Miguel, mula sa ube, turon, tablea, pinya, at leche flan.

Hindi lang ito ang treat ni Miguel sa mga bumibili, dahil siya mismo ang personal na gagawa ng kanilang order kapag siya’y nasa shop. “Ang gusto ko sanang vibe ng milk tea shop ay medyo chill, medyo pump. Gitna ng chill and pump nang konti. Perfect siya sa mga group studies, catching up with friends,” sabi pa ni Miguel sa GMA News “Unang Balita.”

REALTOR-ACTOR JOEY ESTEVEZ KA-SELFIE NIYO SA INYONG  INVESTMENT

NAKALABAS na sa ilang teleserye ng GMA7 itong kaibigan naming si Joey Estevez, na very supportive sa aming nightly show ng aking BFF na si Pete Ampoloquio Jr, at Abe Paulite a.k.a Papang Umang sa DWIZ 882 KHZ. Isa siya sa masipag mag-share ng aming Facebook Live Worldwide na nakatutulong para lalo kaming magkaroon ng maraming views sa aming programang “Star Na Star.” Well aside sa hilig sa pag-arte ay isa ring Freelance Licensed Real Estate Brooker and Appraiser itong si Joey na business director ng Brighton Baliuag Robinsons Homes.

Ayon pa rito kaysa lustayin ang pera sa pagbili ng mga signature na bagay o waldasin sa pagsugal o pumasok sa maling negosyo ay mas magandang mag-invest ng house, condo, townhouse property dahil patagal nang patagal ay lumalaki ang resale value nito. Kaya kung interesado kayo ay puwede kayong mag-inquire sa contact numbers ni Mr. Estevez sa 09175223367 / 09258223367. O bisitahin ang kanyang official facebook account na Joey Estevez (Joeyy Estevez) at active din ito sa Twitter.

PRIZES ALL THE WAY SA EAT BULAGA PABILISAN

NANG PAGBUKAS  GAMIT ANG SUSI

PALAKI nang palaki ang premyong ipinami­migay sa “Prizes All The Way” sa Eat Bulaga na bawat box ay may lamang prize. Last week ay pawang cash ang puwedeng mapanalunan may 20K, 30K, 40K, at 50K. Kaso ‘yung contestant kabado sa pagbukas gamit ang mga susi kaya inabutan na nang oras na walang nabuksan kahit isa.

Pero ang maganda dahil generous nga ang Bulaga sa dabarkads ay tulad ng ibang mga nabunot na sa Prizes All The Way ay hindi ito umuwing luhaan na nakapag-uwi ng almost P20k plus gift items. Naka-e-excite panoorin ang mga naglalaro sa nasabing game segment dahil eager sila na makuha ang nasa loob ng box.

Comments are closed.