AKLAN – HINDI pa rin nakikita ang isang seaman na pinaniniwalaang nahulog sa isang barge sa Boracay Island.
Gayunman, tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) Aklan at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO)-Malay na hindi sila titigil sa paghahanap sa biktima.
Ayon kay Lt. Cdr. Marlo Acevedo ng PCG-Aklan, naglalayag ang LCM Divine Providence barge papuntang Tabon port nang mapansin ng kapitan na si Eddie Norico na wala si Ronaldo Tolinero, 57, residente ng Barangay Dumatad, Tangalan, Aklan.
Dahil dito, kaagad siyang humingi ng tulong upang mahanap ang biktima ngunit sa kasamaang palad dulot ng masamang panahon ay pansamantala silang tumigil.
Malakas ang hinala ng iba pang crew na nahulog ang biktima sa dagat. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.