KARAGDAGANG BI PERSONNEL ITINALAGA SA NAIA

Commissioner Jaime Morente

NAG-DEPLOY  ng karagdagang personnel ang Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para makasiguro na hindi kukulangin ang tauhan ng immigration sa mga incoming sweeper flights sa paliparan habang pinaiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dulot ng COVID-19 outbreak.

Ayon kay Morente, ito ay upang matulungan ang mga special chartered flights na dumarating sa NAIA  kung saan nakasakay ang overseas Filipino workers  na na-stranded  abroad, at maging ang mga sweeper chartered flights ng ibat-ibang embahada o sa bansa na pi-pick up ng kanilang mga kababayan na na-stranded dahil sa ECQ.

Sa kabila ng skeletal deployment, tuloy-tuloy na ipinatutupad ng BI sa NAIA ang  three  shifts bawat araw nang sa gayon ay makasisiguro  na lahat ng mga pasahero ay dumadaan sa immigration inspection.

Lumalabas sa record ng BI na mula noong Marso 30 hanggang April 8, umabot sa 140 incoming flights ang dumating sa NAIA  habang 126 flights ang umalis lulan ang mga na-stranded na mga dayuhan sa bansa.

Batay sa talaan ng BI, tinatayang aabot sa 11,660  OFWs  at 581 foreigners ang dumating sa NAIA samantalang 5,831 ang bilang ng mga dayuhan ang nakalabas sa bansa habang 1,728 mga Filipino ang pinayagan makalabas  ng Filipinas.

Kasama sa mga nakalabas ng bansa  ang 290 British national na sakay ng Philippine Airlines (PAL) sweeper flight patungong London, at ayon pa sa impormasyon ay nakatakda rin lumipad ang tatlo pang sweeper flight ng PAL upang sunduin naman ang mga stranded mga Filipino sa Canada at Australia. FROI MORALLOS

Comments are closed.