KARAGDAGANG DOMESTICS FLIGHTS NG CEBU PAC BINUKSAN

BINUKSAN ngayong araw ang direktang flight ng Cebu Pacific patungong Cebu, Davao, Cagayan De Oro at Bacolod upang mabilis makarating ang mga pasahero mula sa Mindanao at iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay Resty Perez, spokesperson ng Cebu Pacific, ang kanilang ruta patungong Davao at Bacolod ay tatlong beses sa isang linggo, ito ay sa mga araw ng Lunes, Miyerkoles at Biyernes, habang ang Davao-Cagayan de Oro flight, ay sa mga araw ng Martes, Huwebes, Sabado at Linggo.

Magsisimula na rin ang kanilang international flight mula Davao papuntang Singapore, na aniya ang pinaka-unang local airlines na magbabalik sa direct international operations sa Davao.
Dagdag pa ni Perez, magkakaroon pa sila ng pitong additional domestics flight papuntang Bohol, Cebu,

Iloilo, Manila at sa lalawigang ng Zamboanga.

Sa kasalukuyan, ang Cebu Pac ay mayroong 22 domestics destination at dalawang international flight, kabilang na rito ang papuntang Singapore at Seoul (Incheon). FROILAN MORALLOS