KARAGDAGANG HOSPITAL FACILITIES ITINATAYO SA ZAMBOANGA

ITINATAYO sa Zamboanga ang karagdagan pasilidad at modular dormitory para sa mga health workers na lumalaban sa COVID-19 pandemic.

Isinagawa ang conversion sa lumang Zamboanga Convention Center sa Pasonanca, Zamboanga City, upang magsisilbing isolation/quarantine facility for treatment of asymptomatic and moderate COVID-19 patients.

Ito ay matapos tumaas ang mga kaso ng coronavirus disease sa Zamboanga Peninsula kasama ang Zamboanga City sa kabila ng sumasailalim ng modified enhanced community quarantine, ang mga lugar na ito.

Ayon sa report ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng DPWH Task Force for Augmentation of Health Facilities Head Emil K. Sadain, ang mga isolation at quarantine facilities ay matatapos ngayong Hunyo.

Ito ay mayroon 182 beds, at ito ay bilang an augmentation for the 20 bed capacity quarantine facility at sa dalawang tent na naunang natapos noong nakaraang buwan ng March.

Dagdag pa ni Sadain kasabay na itatayo ang construction ng modular hospital na mayroon 22 beds, para naman sa mga moderate, severe to critical covid patients sa loob ng Mindanao Central Sanitarium (MCS) compound sa Pasobolong, Zamboanga City. FROI MORALLOS

34 thoughts on “KARAGDAGANG HOSPITAL FACILITIES ITINATAYO SA ZAMBOANGA”

  1. 515636 502749When do you believe this Real Estate market will go back in a positive direction? Or is it nonetheless too early to tell? We are seeing lots of housing foreclosures in Altamonte Springs Florida. What about you? Would adore to get your feedback on this. 883836

Comments are closed.