KARAGDAGANG MONO CHAIRS PARA SA LSIs SA AIRPORT

Ed Monreal

DUMATING  sa opisina ng Manila International Airport Authority (MIAA)  ang 2,000 mono chairs na gagamitin ng mga locally stranded individual (LSI) passengers sa terminal 2 at 3.

Ito ay makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang  pagbili ng karagdagan na mga upuan para sa stranded na mga pasahero sa loob ng mga pa­liparan.

Nakarating sa kaalaman ng Pangulo na  natutulog ang mga LSI sa sidewalk at sa ilalim ng Skyway malapit sa NAIA.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, ang 2.000 mono chairs ay ilalagay sa mga departure area ng terminal 2 at 3 upang magamit ng papaalis na mga pasahero habang naghihintay  ng kani-kanilang mga kanseladong flights.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin si Monreal sa ilang airline representatives na iwasan  ang pagkakansela ng biyahe upang  maibsan ang pagdagsa ng mga pasahero sa loob ng airport.

Ayon naman sa mga taga-airlines, wala silang magawa kung hindi kanselahin ang flight kapag hindi pumayag ang local government unit (LGU) na tumanggap ng LSI at returning OFWs.

Kaugnay nito ay nangako ang Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia, na hindi sila mag-iisyu ng tiket sa mga pasahero nang walang permiso mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) at LGU. FROI MORALLOS

5 thoughts on “KARAGDAGANG MONO CHAIRS PARA SA LSIs SA AIRPORT”

  1. 80840 446423Extremely well written story. It will probably be helpful to everybody who utilizes it, as effectively as myself. Maintain up the very good function – i will certainly read more posts. 424441

Comments are closed.