KARAGDAGANG RUTA NG PROVINCIAL BUS HINILING

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada!

Kumusta po ang buhay?  Ang pamilya?  Sana po, maluwalhating naitataguyod natin ang buhay sa kabila ng abot-abot na masasamang biro ng tadhana na dumaratal sa buhay.  Una, pan-demya na dulot ng  COVID-19, at sinundan pa ito ng kalamidad na dulot ng kalikasan tulad ng hagupit ng ilang bagyong sunod-sunod na nanalasa sa maraming bahagi ng bansa na ang pin-akagrabe ay si ‘Rolly’.

Nakapanlulumo, ngunit wala tayong lakas para ito ay mapigilan at tanging Panginoon ang may karapatang gumawa noon. Ito ay isang pagsubok at pagtaya sa ating kakayahang  malampasan ang masamang birong ito ng tadhana.

Ang tanging maipapayo ng pitak na ito, stay safe at don’t disregard the pandemic protocols.

DAGDAG NA RUTA NG BUS HINILING NG PBOAP

Muling nanawagan saDepartment of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB) ang provincial bus operators ng karagdagang ruta para  makapagbiyahe ang kanilang mga sasakyan.

Sa pahayag ni Engr. Alex Yague, Executive Director ng Provincial Bus Operator of the Provincial Bus Operator Association of the Philippines (PBOAP), nananatiling limitado  ang ruta  ng mga provincial bus.

Ayon kay Yague, ang mga opisyal at kasapi ng PBOAP ay nananawagan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan  na dagdagan ang kanilang ruta, partikular sa mga biyaheng mula sa Visayas, Mindanao at Metro Manila.

“Nasa kapangyarihan ng mga local government unit ang aming mga terminal kaya nananawagan po kami sa mga LGU na payagan na kaming mag-terminal, dumaan at pumasok sa kanilang areas of responsibility,” pahayag ni Yague.

Samantala, tiniyak naman ni Yague sa lahat ng concerned government agencies, lalo na sa Inter-Agency Task Force (AITF), na mahigpit na ipatutupad ng mga provincial bus operator ang health protocols.

“We appeal for the opening of more provincial bus routes and to use our own terminals inside National Capital Region (NCR)and we will strictly follow the seven commandments of travel. Ang suggestion nga po namin ay terminal-to-terminal para talagang closely monitored ang lahat ng commuters na bibiyahe  dahil isang sakay, isang baba lang.” paliwanag pa ni Yague.

PROSESO NG PAGTU-TUNE-UP NG SASAKYAN

Ilang car owners ng engine type – 3k, 4k, at 5K ang humihingi ng payo sa pitak na itotungkol sa kung papaano ang pag-tune up sa nabanggit na mga makina – Valve clearance: intake 0.09 – exhaust 0.12 inch.

E, siyempre, kinailangan natin itong isangguni sa ating professional mechanic consultant na siJess Viloria, ng Belisario Compound, San Antonio Valley 6, Paranaque City.

Narito ang payo ni kasangguning Jess: mga kailangang tools: flat screw, 12mm, 19 socketwith power handle, 14mm, filter gauge.

  1. Buksan ang valve cover.
  2. I-set ang valve timing sa number 1 na piston.

Pagkatapos maihanda, gawin ang mga sumusunod:

  1. Iikot ang puliya at itapat sa timing mark na nasa timing chain cover.
  2. Ang puliya ay may mark na guhit at ang timing cover naman ay may – 10, -5, 0, +5, +10.
  3. Itama ang mark ng puliya sa timing cover na mark zero (O).
  4. May walong bilang ang valve.
  5. Dapat ang una at pangalawang valve ay umiibo. ‘Pag umibo iyon, ibig sabihin naka-set ka sa piston 1w.
  6. Ready ka na ngayon sa pag-tune up o pagbago ng clearance ng iyong valve o balbula.
  7. Luwagan ang nut ng valve number 1, 2, 3 at 5, ilagay ang 0.08 na filler gauge sa intake valve. Ang intake valve ay tapat ng intake manifold.
  8. Ang tamang pagkuha ng clerarance ay dapat kalpag sinikipan ang screw ay lumalaban ang filer gauge, saka higpitan ang 12mm na nut.
  9. Ganito rin ang dapat gawin sa exhaust, ang clearance ay 0.12.

Kapag natapos na ay lagyan ng clearance ang valve 1, 2, 3, 5, at isunod ang 4, 6, 7 at 8.

  1. Iikot muli ang puliya o pulley ng isang beses at patapatin sa mark gaya ng binanggit sa unahan.
  2. Ngayon ang maluwag naman ay 4, 6, 78.
  3. Isa lang din ang proseso nito.
  4. Tandaan ang tapat ng intake manifold ang intake valve at ang tapat ng exhausemanifold ay ang exhaust valve.

Okay mga kapasada, gayon lamang kasimple ang pag-tune up ng mga makinang inyong inihihingi ng payo sa pitak na ito.

Samantala, kay Jess Viloria, ang ating kasangguni, marami pong Salamat.

MGA ‘DI INAASAHANG TRAFFIC ACCIDENT

Ayon sa LTO, maaaring maiwasan ang sakuna sa pagmamaneho kung may sapat na kabahalaan (knowledge) sa stopping distance na lubhang napakahalaga,  lalo na sa pagbagtas sa mga intersection.

Kailangan, ayon sa LTO, sa pagbagtas sa mga intesection, ang pagkakaroon ng sapat  na linaw ng pananaw sa ipinahihintulot na tulin ng pagpapatakbo at any given speed.

Binigyang-diin ng LTO na “the sight distance can range from unlimited at  wide open intersection with no sight impairment to practically zero at a blind, built-up corner.”

Ipinaliwanag ng LTO na ang sight distance sa gilid ng lansangan ay nagiging malabo at mahirap na makatanaw sa patutunguhan.

Sa ganitong pangyayari, ayon pa sa LTO, para maiwasan ang accident, kailangan ang approach speed ay pabagalin upang maiwasan ang aksidenting bunga ng limited side view.

KONSULTAHIN ANG MAPA UPANG MALIGTAS SA PROBLEMA

Sa pagtahak sa nabanggit na kondisyon tungkol sa sight distance, makabubuting sangguniin ang mapa ng kondisyon ng daraanang intersection.

Sa kondisyon ng daraanan ay ipinagugunit ng mapa ang absolute minimum distance na maaari mong maabot ng tanaw upang mabigyan ka ng babala ng safe margin to maneuver sa pagtahak sa naturang mapanganib na intersection.

Ang lahat ng well trained and experienced driver ay kailangan ang isang mabilis na sulyap upang kanyang makalkula ang kanyang dapat lagyan gaya ng dapat gawin ayon sa dapat mangyari sa pagsunod sa traffic pattern.

Ang isang maingat at well trained driver ay karaka-rakang nakagagawa ng sariling desisyon at sumusunod sa panuntunan.

Alam ng isang seasoned and tested driver kung saan ang ligtas na bahagi nglansangan siya dapat magpatakbo ng sasakyan at may tahasang pag-iingat at hindi yaong laging nakikipagsapalaran p ‘bahala na system’, ika nga.

Comments are closed.