PARA sa mga Chinese, malas ang buwan ng Agosto at hindi nila gugustuhing maglakbay sa panahong ito. Isa pa, bagyuhin talaga ang buwang ito. “Ghost month” daw. Malas na buwan. Pero para sa mga taga-Bacacay Island, wala silang paki. Para sa kanila, ito ang pinakamasayang buwan ng taon liban sa Pasko, dahil sa buwang ito, ipinagdiriwang nila ang Karagumoy Festival.
Karagumoy ang tawag nila sa isang uri ng dahon na mula sa pamilya ng pandan – ang dahong isinasama sa sinaing para bumango. Lumalaki ito hanggang anim na talampakan, at ang dahon nito ay tinutuyo, ginagawang flat, tinitina ay ginagawang banig, sombrero, pamaypay at bag.
Ang mga hinabing bagay na ito ang pangunahing produkto ng Bacacay, Albay, at ipinagdiriwang ito sa buwan ng Agosto.
Tulad ng karaniwang festival, bahagi ng pagdiriwang ang parada, street dancing, karera ng bangka, display ng mga magagandang produkto, singing contest, at beauty contest, pinipili ang pinakamagandang dalaga na isasali naman sa iba pang beauty contest ng probinsya. – NV
Comments are closed.