ISA SA pinakamatinding dulot ng pandemyang COVID-19 sa mundo ay ang pagkakaroon ng bagong normal. Kinakailangan nang magsuot ng face mask at face shield sa tuwing lumalabas ng bahay. Kailangang ugaliin ang social distancing. Ang alcohol, sanitizer, at iba pang kagamitang makatutulong sa ating pag-iingat laban sa virus ay palagi nating dala-dala sa tuwing nasa labas ng bahay.
Maging ang mga malalaking kompanya at mga negosyante sa ating bansa ay nadama rin ang pangangailangan na umangkop sa bagong normal upang makapagpatuloy ng operasyon. Sa kabila ng mga restriksiyon sa operasyon sanhi ng mga ipinatutupad na community quarantine ng pamahalaan ay ginagawan ng paraan ng mga ito na magpatuloy sa operasyon upang makatulong sa pagbangon ng ating ekonomiya. Ang pandemyang ito ang nagtulak sa mga kompanya na maging malikhain sa mga diskarte nito sa kung paano makapagbibigay ng serbisyo sa mga konsyumer nang hindi ikinokompromiso ang kaligtasan at kalusugan, pati na rin ng mga empleyado nito.
Kabilang sa mga kompanyang tagumpay sa pagsabay sa bagong normal ay ang Bayad Center, na siyang nagpasinaya sa bago nitong pangalang Bayad. Kasabay ng pagkakaroon ng bagong normal ay ang paglalayon nitong makapagbigay ng mas pinahusay at mas pinagandang serbisyo ng pagbabayad sa mga konsyumer.
Ang Bayad Center ay ang nangunguna at pinaka-pinagkakatiwalaan na kompanyang nangangasiwa sa pagbabayad ng bills ng mga konsyumer sa bansa. Sa isang virtual na pagdiriwang ay opisyal na inilunsad ng nasabing kompanya ang bago nitong pangalan, bagong logo, at tagline. Mas pinalawig pa ng Bayad ang kanilang presensiya online. Ito ay maituturing na magandang kontribusyon ng Bayad sa pagsulong ng pinansiyal na sektor ng bansa patungo sa modernisasyon.
Layunin ng Bayad na mapanatili ang dedikasyon nito sa mas pagpapaganda, pagpapagaan, at mas pagpapahusay sa serbisyo na ibinibigay nito sa mga konsyumer. Gamit ang 20 taong karanasan nito, muling nagpakilala ang Bayad bilang isang mas malaki at mas mahusay na kompanyang may kakayahang sumabay sa pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga konsyumer ng mahusay na uri ng serbisyong naaangkop sa bagong normal.
Ang pagbabago ng pagkakakilanlan nito gaya ng pangalan, logo, at tagline ay ilang aspeto lamang ng buong transpormasyon ng nasabing kompanya. Mas pinahusay nito ang serbisyo sa pamamagitan ng pagpapalawak ng solutions portfolio nito at ng onsite-to-online na platform. Nadagdagan din ang mga partner nitong kompanya. Ang bagong Bayad ay talagang mas mahusay dahil ang lahat ng mga uri ng bayad gaya ng mga bill, Instasure (insurance), load, travel, pay-out (loan disbursement), Withdraw (ATM withdrawal), remit, at med-assist (medical reimbursement) ay nasa ilalim na ng isang pangalan. Mas kaaya-aya rin ang bagong itsura ng pagkakakilanlan ng Bayad, lalo na para sa modernong henerasyon ng konsyumer.
Gaya ng iba pang pagbabago sa negosyo o sa isang kompanya, napakahalaga ng pagkakaroon ng matatag na pamunuan sa pagbibigay ng daan patungo sa paglago at pag-unlad. Samakatuwid, detalyadong ipinaliwanag ni Bayad President and CEO Lawrence Ferrer na, “We see a new world order emerging from advances in technology, business, and social spaces. We are transforming to keep pace with the times and people we serve. But always, we are guided by our belief that Filipinos deserve to be rewarded for their hard work, and so we always think of ways to make payments and other financial services simple, fast, and readily available in every home and community.”
Sa mahabang panahon ng pagbibigay serbisyo ng kompanya, naipakita at napatunayan na ng Bayad na sila ay maaasahan sa pagbibigay ng mga mahuhusay na opsyon sa mga konsyumer kung transaksiyon sa pagbabayad ang pag-uusapan. Mula nang magsimula ang operasyon nito, ang Bayad ay naging daan sa pagbabago at pag-angat ng antas ng serbisyong pinansiyal sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Lalo pa nilang pinaigting ang presensiya online sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong bersiyon ng mobile app at online payment facility nito.
Ang Bayad app ay isang all-in-one na plataporma para sa pagbabayad na nagbibigay ng madali at maaasahang paraan sa pangangasiwa sa pondo habang kumikita ng mga insentibo kasama ang mga kaibigan at pamilya. Ito ay dinesenyo para sa mga Pinoy na mahilig at marunong gumamit ng internet sa responsableng pagbabantay ng kanilang gastusin habang kumikita ng eksklusibong insentibo. Napakarami ring magagandang mga kagamitan ang app gaya ng e-wallet at e-load, pagtingin ng mga bill at pagbabayad, personal na pangangasiwa ng pera, pagbabayad gamit ang QR code, mga reward, insurance, savings account, personal na loan, at sistema ng credit scoring.
Ngayong panahon ng pandemya, napakahalaga ng pagsiguro na magiging maginhawa ang karanasan ng mga konsyumer. Buti na lang, ang bagong Bayad Online ay may kakayahan ding makapagbigay ng ligtas, maginhawa, at maaasahang pasilidad para sa pagbabayad na maaaring magamit ng mga customer 24/7, saan mang bahagi ng mundo. Ang Bayad Online ay maaari ring makapagbigay ng benepisyo sa mga customer ng Meralco sa pamamagitan ng real-time posting ng mga bayad para sa mga Meralco bill nito gamit ang nasabing mobile app. Makasisiguro ang mga konsyumer na magbabayad ng kanilang Meralco bill gamit ang Bayad App at Online na makikita at magre-reflect agad sa kanilang account.
Nakagagalak makita ang lahat ng pagbabago ng Bayad na siyang nagbigay-daan sa paglago ng nasabing kompanya. Napakalaking tulong ang operasyon ng Bayad para sa mga konsyumer na nagnanais magbayad ng kanilang mga bill, lalo na ngayong inilunsad na ang bagong bersiyon ng Bayad App na tiyak na makapagbibigay kaginhawaan sa mga konsyumer ngayong panahon ng pandemya.
Nagsimula ang Bayad bilang over-the-counter payment center para sa mga nagnanais magbayad ng kanilang Meralco bill. Ngayon, bunsod ng patuloy na pagpapatupad ng mga pagbabago sa sistema ng Bayad, ito ay may kakayahan nang makapagbigay ng kumpletong serbisyo bilang isang fintech na kompanya.
Sa aking personal na pananaw, ang tagumpay ng isang kompanya ay maaaring makita sa kung paano ito nakatutulong sa mga konsyumer at sa takbo ng ekonomiya. Mula noon ay nagpapatuloy ang Bayad sa paglulunsad ng pagbabago na siyang mas nakapagpapabuti ng serbisyo para sa mga konsyumer. Sa kasalukuyan, patuloy ang Bayad sa pagsulong sa pagpapatupad ng mga pagbabago sa sistema nito habang patuloy na isinasabuhay ang misyon nitong makapagbigay ng pinasyal na serbisyo sa mga tao.
Sa aking mga mambabasa, hinihikayat ko kayong subukan ang Bayad App. Ito ay maaaring i-download sa Google Playstore para sa mga gumagamit ng Android, at App Store naman para sa mga gumagamit ng iOS. Ang Bayad Online naman ay maaaring magamit sa pamamagitan ng link na ito: https://www.online.bayad.com. Base sa aking karanasan, ito ay madaling gamitin at talagang nakapagbibigay ng kaginhawaan. Makapagbabayad ka ng mga bill nang hindi ikinokompromiso ang iyong kalusugan at kaligtasan.
Comments are closed.