GOOD day mga kapasada!
Lubhang nakababahala ang mga car accident na nagaganap sa mga pangunahing lansangan dito sa Metropolis.
Lumilitaw sa mga pag-aaral ng mga ahensiya ng transportasyon, partikular ng Land Transportation Office (LTO) na ang car accidents in the Metropolis can happen any time of the day. Walang pinipiling oras. Hanggang sa may pasaway na mga driver na hindi sumusunod sa traffic rules at regulations, hindi maiiwasan ang sakuna.
Mga kapasada, bigyan natin ng kaunting paglilimi ang paksang ating tatalakayin para sa kapakanang pangkaunlaran ng pamilya.
Noong nakaraang dalawang taon, sa pagbabakasyon ko sa California, dinalaw ko ang aking manugang na si Mitos Constantino sa kanilang tanggapan sa first floor ng Philippine Consulate sa Wilshire Boulevard, Los Angeles.
Ang kanilang tanggapan ay isa sa mga kilalang Law Office sa pook na engage sa Car Insurances Services.
Dahil sa isang insurance service analyst itong aking manugang, minabuti kong magsaliksik hinggil sa maraming nagiging dahilan ng aksidente na karaniwang nagaganap din dito sa atin sa Filipinas.
Ayon kay Mitos, walang pagkakaiba ang mga potential causes of a car accident sa pagitan ng California at Filipinas.
Kabilang sa mga karaniwang car accident na binanggit ni Mitos ang:
a. speeding
b. traffic gridlock
c. negligence
d. recklessness at
e. unsafe driving
Paliwanag ni Mitos, a car wreck can also occur where you may least expect it kahit sa side streets at maging sa parking lots, maaari itong maganap, any time of the day.
Sa experience ni Mitos, kinakatawan ng kanilang tanggapan ang mga biktima ng lahat ng uri ng car accidents kabilang ang:
1. Rear-end collisions
2. Side impact collisions
3. Sideswipe collision
4. Vehicle rollover
5. Head on collision
6. Single car accidents at
7. Hit and ran accidents
I. ANG REAR-END COLLISION
Ang ganitong uri ng traffic accidents ay karaniwang likha ng sudden deceleration (pagpapabagal ng takbo o pagpepreno).
Sa ilang pagkakataon o pangyayari, ang ibang driver ay naka-tailgate o lubhang nakatutok sa rear end ng sasakyan o kaya ay mabilis ang pagpapatakbo kaysa sinusundan.
Sa malakas na impact, ang end result ay nagkakaroon ng injury ang driver at pasahero.
Sa karanasan ni Mitos, karaniwang ang kasalanan ay nakabuntot o nakatutok.
II. SIDE-IMPACT COLLISIONS
Ang side impact collision ay maaaring makalikha ng malubhang injuries. Ito ay karaniwang tinatawag na “T-bone” o “broadside” collision.
Ang side impact collision ay nagaganap kung ang tagiliran ng sasakyan ay masagiran ng kasabay sa lansangan na walang ingat sa pagmaneho o pagkalingat dahil sa may pinagkakaabalahang kung ano-anong bagay.
Ito ay karaniwan ding nagaganap by the front or rear of another vehicle o kaya sa katulad na pangyayari ay sumalpok sa isang fixed object.
Sa ganitong uri ng collision, lubhang severe ang damage sa nasaging sasakyan, sa driver o pasahero ng nasaging sasakyan.
III. SIDESWIPE COLLISION
Ang sideswipe collision ay nagaganap kapag ang dalawang sasakyan ay tumatakbong magkaagapay.
Sa maraming pagkakataon, ito ay humahantong sa minor damage lamang, sa sasakyang na “swiped each other.”
Ang injuries at damages ay karaniwang bahagya lamang maliban na lamang kung nawalan ng kontrol ang mga driver ng sasakyan bunga ng naturang banggaan.
IV. VEHICLE ROLL OVER
Ang ganitong uri ng vehicular accident ay lubhang mapanganib at nakahihindik.
Ito ay karaniwang nagaganap kapag ang isang sasakyan ay literally flips over onto its side o tumaob sa pook ng aksidente.
Ang alinmang sasakyan ay maaaring masangkot sa ganitong uri ng collision, bagama’t ang sasakyan na may high center of gravity tulad ng SUVs (sport utility vehicles) ay karaniwang prone sa ganitong uri ng car accident.
Ang karaniwang dahilan ng ganitong aksidente ay ang sharp turns at high speed at maaaring lumikha ito ng serious injuries, tulad ng spinal cord injuries at trauma sa utak.
V. HEAD-ON COLLISION (BANGGAAN SA UNAHAN)
Karaniwang malubha (fatal) ang resulta ng ganitong uri ng banggaan.
Head on collision ay nagaganap kapag ang dalawang sasakyan ay nagbanggaan nang magkasalubong.
VI. SINGLE CAR ACCIDENTS
Ang ganitong uri ng car accident ay nagaganap kung ang isang sasakyan ay sumalpok sa poste, sa puno, sa fire hydrant o kaya ay sa matigas na bagay.
Sa ilang mga pagkakataon, maaaring ang mabangga ay isang pedestrian o kaya mga pasaherong naghihintay ng kanilang masasakyan.
Ang ganitong uri ng car accidents ay maaaring magresulta sa injuries ng driver o kaya ay ng mga pasahero, pedestrian injuries at sa malimit na pagkakataon ay damage to properties.
VII. MULTIPLE VEHICLE COLLISION
Ang multiple vehicle collision, kung minsan ay inuring pile-ups at malimit na nagaganap sa mga busy road tulad ng highways at freeways.
Sa ganitong uri ng banggaan, maraming sasakyan ang involve at lubhang peligro.
Ang mga sasakyang involve sa ganitong uri ng banggaan can be impacted multiple times. Ayon sa mga traffic enforcer, napakahirap itong maiwasan. Mahirap din umanong malaman kung sinong nagkamali sa ganitong aksidente.
VIII. HIT-AND-RUN ACCIDENTS
Ang hit and run accident ay nagaganap kung ang isang driver ay biglang tatakasan o aalis na parang walang anumang naganap na aksidente sa pook na kung saan nangyari ang banggaan.
Ayon sa mga traffic enforcer on case, lubhang mahirap na kilalanin ang identity ng driver o ng involve na sasakyan lalo na kung walang CCTV sa pook.
Kay Mitos na naging kasangguni, maraming-maraming salamat. Mabuhay!
MGA AKSIDENTE SA DAAN NA ‘DI INAASAHAN
Ang aksidente ay isang kaganapan na hindi inaasahan sa panahon ng pagmamaneho o maging pagbiyahe.
Simple man katulad ng isang maliit na banggaan, o grabe tulad nang pagkakasagasa sa tao, ito ay maaaring mangyari anumang oras, saan mang pook at maging sa kanino man.
Sa trapiko, ito ay maaaring kagagawan ng drayber, ng pagkasira ng sasakyan, ng isang tumatawid, ng kakulangan ng traffic signages o ng peligrosong road thoroughfare.
Maaari rin tayong makatulong sa mga nabanggit na aksidente. Halimbawa, sa kasong hit and run, kung nasaksihan natin ang mga pangyayari, magmadali tayo sa pagkuha ng plate number ng sasakyang nakabangga at sa pagtanda ng kulay, tipo at modelo nito.
Maaari rin tayong humingi ng tulong o ang pagtawag ng ambulansiya.
Kung may kakayahan naman at kaalaman sa pagbibigay ng first aid, puwede rin natin itong gawin.
Kung wala naman tayong magagawa upang makatulong sa isang aksidente, makabubuting ipagpatuloy ang pagmamaneho at huwag nang mag-usyuso upang hindi makasagabal sa pinangyarihan ng sakuna at sa mga taong nararapat na manatili roon.
Iwasang magsindi ng sigarilyo o magtapon ng posporong may sindi sa lugar ng sakuna sapagka’t maaaring may langis o gasolinang tumagas mula sa mga sasakyang sangkot sa aksidente.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.