KARAPATAN NG BANSA SA TERITORYO, HINDI ISUSUKO

Teddy Boy Locsin

HUMINGI  ng executive session si Foreign Affairs Secretary  Teddy Boy Locsin para pag-usapan kung ano ang mga napagkasunduan ng Filipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea sa huling pagbisita ni Pangulong Duterte sa China.

Ayon kay Locsin, hindi niya batid kung nasa posisyon siya para sabihin sa publiko ang anumang posisyon dito ng China.

Naungkat ang isyu sa pagtatanong ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate tungkol sa panghihimasok ng mga Chinese vessels, pagtatayo ng military posts, at ang isyu na tila isinuko na ng bansa ang karapatan sa ating teritoryo.

Giit ni Locsin, hinding-hindi isusuko ng bansa ang karapatan kahit ang pinakamaliit na bahagi sa WPS.

Aniya, problema na ng China kung ano ang kanilang gagawin lalo pa’t pumanig sa bansa ang arbitral tribunal.

Hindi rin aniya tumitigil ang DFA sa paggiit ng karapatan ng Filipinas sa China sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protest.

Umaabot sa humigit kumulang sa 60 note verbal ang naihain ng ahensiya sa China mula pa noong 2016. CONDE BATAC

One thought on “KARAPATAN NG BANSA SA TERITORYO, HINDI ISUSUKO”

  1. 935260 731245Delighted for you to discovered this website write-up, My group is shopping a lot more often than not regarding this. This can be at this moment surely what I are already seeking and I own book-marked this specific internet site online far too, Ill often be maintain returning soon enough to appear at on your special weblog post. 444275

Comments are closed.