GOOD day mga kapasada
Sa isyung ito, mahalagang paksa ang ating tatalakayin na dapat ninyong malaman mga kapasada upang makaiwas sa karaniwang traffic parlance… “KOTONG COPS”.
Sa maraming pagkakataon, ang buhol ng trapik sa mga pangunahing lansangan ay hindi ang mga drayber ang dahilan kundi ang kotong cops na umano’y nanghuhuli ng walang anumang paglabag sa batas ng trapiko.
Maraming footages ng CCTV camera na ikinabit ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang karaniwang ba-tayan ng kinauukulang ahensiya na maparusahan ang mga sinasabing umano ay kotong cops.
Madaling gumawa ng traffic violation ang mga traffic enforcer para lamang makapag-issue ng traffic violation ticket sa ating mga driver na karaniwang humahantong sa mahigpit na pagtatalo sa pagitan ng driver at arresting officer na nagdudulot ng pagbubuhol ng trapik sa mga lansangan.
Sa payo ng mga kinauukulang official ng MMDA, kapag hinuli ng traffic enforcer at alam mong wala kang nilabag na traf-fic violation hindi ka na dapat makipagtalo.
Ang dapat mong gawin para mapawi ang argument at maging smooth ang flow of traffic ay:
- Kunin mo ang mission order nila upang malaman mo ang kanilang area of responsibility, time of duty at ang kanilang official function.
- Kung kayo ay aakusahan ng swerving, (pag-iiba ng linya) hindi masasabing ang swerving ay traffic violation.
Ang swerving ay ang tinatawag na running away from direct course: to make a sudden change in direction, often to avoid collision, o biglang pagpapalit ng direction. It is defined ayon sa awtoridad as movement wherein vehicles shift from a lane to another.
Binigyang linaw ng MMDA na ang SWERVING ay hindi isang paglabag sa batas trapiko. Ito ay tumutukoy sa isang pag-galaw kung saan ang sasakyan ay lumilipat mula sa isang lane patungo sa isa pang lane.
Ngunit nilinaw naman ng MMDA na maaari rin itong MAGING RECKLESS DRIVING VIOLATION kung ito ay gagawin ng WALANG PAG-IINGAT (NA OVERTAKING).
Halimbawa, swerving sa biglaan at walang pag-iingat na pamamaraan tulad ng hindi paggamit ng senyales tulad ng sig-nal lights o kaya ay pagsenyas ng kamay.
Maaari lamang maging paglabag sa batas ng trapiko ang swerving kapag MAY BABALA (traffic sign) NA NAGBABAWAL DITO.
Laging tatandaan na:
- Hindi maaaring kunin ang inyong driver’s license maliban kung ikaw ay sangkot sa traffic accident o nakalikom na ng tatlo (3) o higit pang traffic violations.
- Walang karapatan ang traffic enforcer na pababain ng sasakyan ang driver para sa anumang bagay na hinihingi nito.
MGA BAGAY NA DAPAT MABATID NG MGA DRIVER
Balik gunita sa ipinalabas sa traffic ng Metro Manila Development Authority (MMDA), hinggil sa mga batas na ipinaiiral nito na isinapanahon (Updated May 25, 2011) tulad ng:
1. Ang mga MMDA enforcer ay hindi pinahihintulutang magtipon-tipon samantalang hinuhuli ang isang driver dahil sa paglabag nito sa batas trapiko. They are not allowed to stand together in group of two (2) or more, maliban na lamang kung sila ay nasa aktuwal na special operation tulad ng panghuhuli ng smoke belching at mga kolorum na bus.
2. Ang swerving ay hindi traffic violation per se. Ito ay isang movement na kung saan ang sasakyan ay lumilipat sa ibang lane.
Gayunman, maaaring mayroon itong paglabag bilang reckless driving kung ito ay ginagawa ng walang anumang babala ng paglipat ng lane gaya ng flashing signal light o kaya pagsenyas sa pamamagtan ng kamay.
Maituturing pa ring paglabag sa batas ng trapiko ang SWERVING kung hindi igagalang ng driver ang traffic signs kung mayroon sa pook na nagbabawal ng paglipat ng linya.
3. Hindi maaaring kumpiskahin ng traffic enforcer ang lisensiya ng driver sa panahon na sila ay huhulihin maliban sa mga sitwasyong tulad ng:
1. Sangkot ang driver sa traffic accident.
2. Tatlong beses nang nahuli ang driver na hindi naayos ang violation.
3. Ang driver ay hinuli kaugnay sa mga traffic violation tulad ng sumusunod:
a. Pagpapagamit ng kanyang driver’s license sa ibang tao.
b. broken sealing wire.
c. broken taximeter seal.
d. Colorum operation (cargo/passenger vehicle)
e. Fake/altered taximeter seal.
f. Fake/altered sealing wire.
g. Fast/defective/non-operational/tampered taxi meter.
h. Driving against traffic.
i. Fake driver’s license.
j. Flagged up taximeter.
k. Illegal or unauthorized counter-flow.
l. No driver’s ID.
m. Out of line operation
n. Refusal to convey passengers to destination/trip-cutting (taxis and Public Utility vehicles). Samantala, binalaan naman ng MMDA ang mga traffic enforcer na magsagawa ng extra diligence sa pagbibiripika ng katotohanan ng mga nakasulat (data) sa mga dokumentong ipipresenta sa kanila ng mga nahuling traffic violators.
Payo ng MMDA sa sino mang driver na makukumpirma ng paglabag ng traffic enforcers sa mga nabanggit ay mangyari lamang na kunin ang pangalan ng traffic enforcers na nakasulat sa kanilang name plate, at magsumite ng nakasulat na reklamo sa Traffic Adjudication Board (TAB), MMDA Bldg. EDSA cor. Orense St., Guadalupe Nuevo, Makati City sa loob ng limang araw matapos ang apprehension.
HOW TO BE AN EXCELLENT DRIVER
Ano-ano ba ang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa panahong ang driver ay gumugulong sa lansangan.
Ang tanging sagot dito ayon sa Land Transportation Office (LTO) ay dapat tatandaan ng isang driver na ang pag-mamaneho ay isa lamang prebiliyo at hindi isang karapatan (driving is a privilege and not a right).
Sa pananaliksik ng pitak na ito, isang lathalain ang karapat-dapat na ibahagi sa ating mga kapasada. Mayroon itong great points about becoming a better driver.
Ayon sa naturang article, “Good drivers are both common and uncommon. It is possible you might encounter rash teenagers to truck drivers to overly-cautious senior citizens-yet all contribute to how we can learn to be better driv-ers.”
Sa mga pagkakataong may mapuna na humaharurot na sasakyan ng sobra sa itinakdang speed limit, pagbigyan sila na mag-overtake. Iwasang makipagkarera sapagkat hindi ito isang drag race.
Iwasang magpalit ng linya kapag kayo ay nasa middle of an intersection at bigyan ng wastong timing sa pagpasok sa in-tersection upang hindi kayo ma-caught blocking it once na biglang mag-pula ang traffic signal light (i.e. don’t block the box).
Gayundin, iwasan ang pag-beat sa red light. Kung biglang mag-yellow ang traffic light mayroon kang sapat na space upang huminto ng maluwalhati at ligtas.
Maituturing na isang aksiyong kagalang-galang bilang isang driver to allow a vehicle to turn into traffic if the driver is waiting for a break.
Iwasang magpreno ng pabigla-bigla in moving traffic upang mapagbigyan ang isang driver na makasingit sa linyang tina-tahak.
Panatilihin ang isang decently comfortable distance sa pagitan mo at sa sinusundang sasakyan. Maglaan ng dalawang segundong agwat sa sinusundang sasakyan upang maiwasang mabundol ito sa ‘di inaasahang pagpepreno ng si-nusundan.
Ayon sa source, the majority of drivers just aim to get to their destination, just like you at ng iba pang mga driver na nagmamadali upang makahabol sa kanilang appointment on time.
Maaaring sa pagmamadali ay makalikha ng ‘di inaasahang aksidente, ngunit maaari itong maiwasan kung ikaw at ang iyong sinusundan o kasunod ay mayroong kaisipang tulad ng iniisip mo.
“By understanding the way various drivers react, you will have a better grasp of how to be a better driver. The best drivers learn to anticipate possible changes in traffic and prepare for them in advance by adjusting their speed, their lane/direction, or where their attention is directed” – source California Traffic rules.
KAUNTING KAALAMAN – Kung ang inyong lisensiya sa pagmamaneho ay kukumpiskahin ng traffic enforcer, dapat ipababatid sa inyo ng apprehending officer ang dahilan kung bakit kayo hinuli at ang validity ng ticket. Kung tumanggi ang driver na ibigay ang kanyang driver’s license, maaaring tanggalin ang plate ng sasakyan ayon sa itinatadhana ng sec-tion 74 at 75, mc 89-lo5.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.